Ogie D sa umano'y It's Showtime sa GMA: "Tatlo na ang nakakausap ko na iisa ang sinasabi"
- Maugong ang napapabalitang pag-okupa ng It's Showtime sa naiwang slot ng Tahanang Pinakamasaya sa GMA
- Maging si Ogie Diaz ay may nakakausap na ito umano ang sinasabi
- Nakadagdag pa sa espekulasyon ang nabanggit ni Vice Ganda sa It's Showtime kamakailan
- Gayunpaman, tanging ang GMA o ang ABS-CBN ang makakakumpirma ng napapabalitang ito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nakarating na rin umano kay Ogie Diaz ang napapabalita na ang It's Showtime ang umano'y papalit sa noontime slot ng natapos na programang Tahanang Pinakamasaya sa GMA.
Ayon kay Ogie sa bagong episode ng kanyang Ogie Diaz Showbiz Update channel, ilan na ang kanyang nakakausap na tila iisa ang sinasabi patungkol sa It's Showtime.
"Tatlo na ang nakakausap ko na iisa ang sinasabi. Mukhang ang It's Showtime na ang ookupa ng noontime show ng GMA 7 na iniwan ng Tahanang Pinakamasaya. At ang sabi'y hintayin na lang daw natin ang formal announcement, aba! Totoo kaya ito?"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nakadagdag pa umano sa espekulasyon ng marami ang nabanggit ni Vice Ganda kamakailan tungkol sa "Best things are coming" at ang tungkol sa umano'y mga araw na maganda, ngunit kinabukasan ay mas maganda pa pala.
Gayunpaman, paalala ni Ogie na tanging ang GMA at ABS-CBN ang makapagkukumpirma ng napapabalitang ito.
"Well, saka nalang tayo maniwala kung aaminin ito ng GMA at ng ABS-CBN. 'Yan ang ating aabangan."
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:
Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinakamatagal variety show ng ABS-CBN.
Kamakailan, naibahagi rin ng Pilipino Star Ngayon na matunog na napapabalita na ang It's Showtime siyang papalit sa Tahanang Pinakamasaya ng GMA.
Magaing ang Pahayagang Abante ay naibahagi ang tila naging paramdam ni Vice na sinasabing may kaugnayan sa pag-okupa ng kanilang programa sa noontime slot ng GMA 7. Dahil dito, marami ang nag-aabang sa paglabas ng opisyal na pahayag ng GMA o maging ng It's Showtime mismo ukol dito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh