Ogie D sa umano'y 'di pagdalo ni Andrea B sa Star Magical Prom: "Naka-birthday leave"

Ogie D sa umano'y 'di pagdalo ni Andrea B sa Star Magical Prom: "Naka-birthday leave"

- Nasagap umano ni Ogie Diaz ang dahilan kung bakit wala si Andrea Brillantes sa Star Magical Prom

- Marami ang nakapansing wala si Andrea sa nasabing pagtitipon

- Isang source umano ang nagsabi kay Ogie na naka-birthday leave ang aktres

- Gayunpaman, marami umano ang nag-abang ng pagrampa ni Andrea sa naturang event

Natalakay ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ang tungkol kay Andrea na missing in action sa Star Magical Prom kamakailan.

Ogie D sa umano'y 'di pagdalo ni Andrea B sa Star Magical Prom: "Naka-birthday leave"
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Sa dami ng naghahanap kay Andrea sa gabing iyon nasabi ni Ogie na relevant at wanted pa rin talaga ang 'Senior High' actress.

"Alam mo 'pag hinahanap at maraming nagtatanong ibig sabihin, wanted ka. Ibig sabihin, relevant ka. O 'yun lang naman ang dapat nating tumbukin. Kasi kapag hindi ka hinanap doon, ibig sabihin irrelevant ka. Na ke um-attend ka o hindi, e wala rin namang bearing. Prang ganun."

Read also

Maris Racal, pinakilig ang SnoRene fans sa bago nitong post

Gayunpaman, isang source umano ang nagsabi kay Ogie ng posibleng dahilan bakit wala si Andrea sa nasabing event.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Parang naka-birthday leave si Andrea. Kasi nag-birthday yun ng March 12. Supposedly si Andrea raw ayon sa aking source no, ay patungong US para magbakasyon. E hindi siya natuloy. Gustuhin man daw nung bata na um-attend, Hindi ito nakapag-prepare ng isusuot."

Narito ang kabuuan ng talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update Youtube channel:

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.” Ngayon, umani rin siya ng papupri sa husay ng pagganap niya sa dalawang karakter sa Senior High.

Read also

Baron sa umano'y naging isyu noon sa Senior High: "Hindi naman kasi talaga ako nag-attitude"

Kamakailan, nabanggit ni Cristy Fermin na umano'y naaawa talaga siya kay Andrea Brillantes dahil sa kung ano-ano na ang bansag sa kanya ng publiko na mababasa sa social media.

Matatandaang ipinagtanggol pa ni Cristy Fermin si Andrea na siyang naiuugnay 'di umano sa hiwalayan ng Kathniel. Tila nakiusap siya sa publiko na sana'y huwag nang idamay pa si Blythe sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel