Joey De Leon sa It's Showtime: "Hi Vice! Love namin 'yun... Basta ABS-CBN, love ko”

Joey De Leon sa It's Showtime: "Hi Vice! Love namin 'yun... Basta ABS-CBN, love ko”

- Nagpaabot ng kanyang pagmamahal si Joey De Leon kay Vice Ganda at sa programang kinabibilangan nito, ang It's Showtime

- Nabanggit ito ni Joey De Leon nang magkaroon sila ng press con matapos ilabas ng IPO ang desisyon na ang TVJ ang rightful owner ng pangalang Eat Bulaga

- Nasabi rin nito na tila lahat ng noontime show ngayon ay mayroon na talagang "Eat"

- At tila kasaysayan umano ang nagaganap na dalawang noontime show na pareho ang pangalan ang naglalaban

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hayagang nasabi ni Joey De Leon sa nag-iisang Unkabogable star na si Vice Ganda ng It's Showtime ng ABS-CBN.

Joey De Leon sa It's Showtime: "Hi Vice! Love namin 'yun... Basta ABS-CBN, love ko”
Joey De Leon sa It's Showtime: "Hi Vice! Love namin 'yun... Basta ABS-CBN, love ko” (TVJ)
Source: Facebook

Nabanggit ito ng Henyo Master sa naging media conference ng Tito, Vic and Joey matapos ilabas ng IPO ang desisyon na ang TVJ ang rightful owner ng pangalang 'Eat Bulaga.'

Read also

It's Showtime, naglabas ng statement kaugnay sa ‘MeChoose-MeChoose’ episode

Ayon kay Joey, kapansin-pansin na ang tatlong noontime show sa bansa ay mayroon nang 'Eat' sa kanilang titulo.

"Hindi niyo napapansin ano? May nangyayari sa kasaysayan. Ngayon lang nangyari na magkalaban ang parehong show sa telebisyon. Dalawang Eat Bulaga ang naglalaban," ani Joey.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Yung It’s Showtime, hindi niyo napupuna? May 'eat' 'yun... "It's". Nakikisali pa. Mas mahal namin 'yon. Hi Vice! Love namin 'yon. Basta ABS-CBN, love ko," giit pa niya.

Narito ang kabuuan ng isinagawang media con ng TVJ:

Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.

Read also

Cristy Fermin, naaawa kay Blythe: "Kung ano-ano ang bansag kay Andrea Brillantes"

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. At noong June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.

Isa sa mga segment ng E.A.T. ay ang 'Babala! 'Wag kayong ganun...' na halintulad sa naging segment nila noon sa Eat Bulaga na 'Bawal Judgmental' kaya naman hindi kataka-takang sinusubaybayan na rin ito ng kanilang mga tagapanood dahil na rin sa mga natutunan nila sa kwentong naibabahagi ng kanilang mga nagiging panauhin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica