Ogie Diaz simula July 1: "So tatlong noontime show ang maglalaban-laban"
- Simula July 1, tatlong noontime shows na ang mapapanood ayon kay Ogie Diaz
- Dahil ito umano ang nakatakdang araw ng pagsisimula ng bagong noontime show na pangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon
- Samantala, ang It's Showtime na unang nasa noontime slot ng TV5 ay malilipat naman sa GTV ng GMA
- Mas marami umano ang maaring pamilian ng publiko pagdating ng pananghalian at magkakaalaman kung alin nga ba ang talagang tatangkilikin pa rin ng mga Pinoy
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pagpatak umano ng July 1 ngayong taon, tatlong noontime shows na ang mapapanood ng bawat pamilyang Pinoy sa iba't ibang TV network.
Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update.
Ayon kay Ogie, dahil sa kumpirmasyon nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na July 1 na magsisimula ang kanilang bagong noontime show, magiging tatlo na ang maaring panoorin ng mga Pinoy sa kanilang pananghalian.
"So tatlong noontime show ang maglalaban-laban. Marami ngayong pamimilian 'yung mga televiewers. Buhay na naman ang free TV."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dahil dito, may paalala si Ogie sa mga manonood na huwag na umanong maging negatibo sa pagbibigay komento sa iba't ibang mga programa na kanilang mapapanood.
"I-welcome natin sila with open arms. 'Wag na nating silang, 'ay pangit ng palabas na 'to. Ang chala naman nito. Mamili nalang kayo ng panonood. Nasa inyo naman ang remote."
Habang ang TVJ ay na-welcome na ng TV5, ang It's Showtime naman ay malilipat sa GTV ng GMA. Samantala, ang Eat Bulaga ay mananatiling nasa GMA.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga hosts.
Samantala, ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon. Sa kabila ng pamamaalam ng mga orihinal na host ng programa sa kanilang producer, patuloy na napapanood ang Eat Bulaga sa GMA 7 kasama ang mga bagong host na kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at ilan pang mga GMA Sparkle talents.
Nito lamang Hunyo 10, naging guest host nila si dating Manila City Mayor Isko Moreno. Natanong ito kung araw-araw na ba siyang mapapanood sa programa, sinagot niya ito ng "Kailangan bang i-memorize pa 'yan?"
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh