Allan K, sa nagsasabing traydor umano siya sa EB: "Nilalagyan ng iba ng meaning"

Allan K, sa nagsasabing traydor umano siya sa EB: "Nilalagyan ng iba ng meaning"

- Idinetalye ni Allan K ang dahilan bakit umano siya umalis agad matapos na mamaalam ng TVJ sa TAPE Inc. noong May 31

- Matatandaang nabanggit ito ni Tito Sotto kung saan sinabi niyang bumalik naman agad si Allan nang malamang pumipirma na sa courtesy letter ang iba pang host

- Ani Allan, tila nabigyan ng ibang kahulugan ang agad niyang pag-alis sa studio ng Eat Bulaga noong May 31

- Sa ngayon, abala sila sa paghahanda sa pagbubukas ng kanilang noontime show sa TV5

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ikinuwento ni Allan K ang detalye ukol sa mga kaganapan noong May 31, ang araw kung kailan tuluyan nang namaalam sina Tito, Vic at Joey sa TAPE Inc.

Allan K, sa nagsasabing traydor umano siya sa EB: "Nilalagyan ng iba ng meaning"
Photo: Allan K
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na totoong umalis agad si Allan K dahil iyon umano ang ginagawa niya pagkakatapos ng kanilang show araw-araw. Sa kasamaang palad, tila naging iba ang pakahulugan nito sa ibang tao.

Read also

Cristy sa kasalukuyang Eat Bulaga: "'Yung pagkalugi, ngayon lang nila nararamdaman"

"Oo, na nilalagyan ng iba ng meaning na traydor daw ako sa grupo. Ang tensyon na 'dun. Matensyon na 'yung buong studio," pahayag ni Allan.

Ayon pa kay Allan, hindi lamang pagiging host ang kanyang pinagkakaabalahan. Isa rin umano siyang negosyante at noong hapon ng Mayo 31, kinailangan na niyang umalis.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"May meeting ako nung hapon na 'yun. E ako talaga, pagkatapos ng show, umaalis na ako. E wala namang show. umalis na ako," paliwanag pa niya.

Hindi pa man nakakalayo, nakatanggap na siya ng tawag mula sa iba pang mga hosts at sinabing nakapirma na sila sa courtesy letter bilang pamamaalam na rin sa TAPE Inc.

"Hindi rin ako papayag na hindi ako nakapirma," ani Allan na noo'y nakabalik para pumirma sa naturang courtesy letter.

Read also

Gabby, ikinuwento ang unang pagtawag sa kanya ni KC: "One day, hahanapin ako nito"

Sa ngayon, abala sina Allan at iba pang mga dati at orihinal na host ng Eat Bulaga sa noontime show sa bago nilang tahanan, ang TV5.

Samantala, narito ang iba pang detalye ng panayam sa kanya nina Christine Bersola at Chinkee Tan ng One PH:

Si Alan Joveness Quilantang o mas kilala bilang si Allan K ay isang singer, performer at TV host sa Pilipinas. Isa siya sa mga matatagal nang host ng Eat Bulaga mula noong 1995.

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating 'Eat Bulaga' host na piniling sumama pa rin sa kanila. Sa ngayon, isa sa mga pinakaabangan ng marami ay kung ano ang magiging pangalan ng kanilang noontime show sa bago nilang tahanan.

Read also

Joey De Leon: "Kahit anong title, tayo Dabarkads forever"

Kaya naman habang papalapit ang Hulyo, marami ang nakaabang sa magiging susunod na kabanata ng TVJ sa pagsisimula umano ng bago nilang programa sa TV5.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel