Joey De Leon, sumilip sa Eat Bulaga: "Wala akong masamang komentaryo"

Joey De Leon, sumilip sa Eat Bulaga: "Wala akong masamang komentaryo"

- Inamin ni Joey De Leon na nagawa niyang sumilip sa Eat Bulaga na mayroong mga bagong hosts

- Aniya, gawain niya umano ang manood ng telebisyon at maging ang It's Showtime ay nagagawa rin niyang panoorin

- Wala umano siyang masamang komentaryo sa kasalukuyang 'Eat Bulaga'

- Katunayan, nag-aalala rin siya para sa mga ito dahil sa dami ng naging komentaryo ng publiko tungkol dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakuwento ni Joey De Leon na nasilip na umano niya ang kasalukuyang Eat Bulaga na nasa GMA 7.

Joey De Leon, sumilip sa Eat Bulaga: "Wala akong masamang komentaryo"
Ang mga bagong hosts ng Eat Bulaga (Eat Bulaga na)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa natanong sa kanya ni Julius Babao nang makapanayam siya nito sa kanyang YouTube channel.

"Oo sumilip ako siyempre... "Sinungaling ko namang kung sabihin kong hindi ko nasilip. Nasilip ko, sanay akong manood ng Showtime, lahat. ng TV. Wala akong masamang komentaryo. Nagtatrabaho 'yung mga tao."

Read also

Joey De Leon, inilalaban umano ang 'Eat Bulaga': "Malapit na ang paghuhukom"

Aniya, hindi rin niya inasahan umano ang reaksyon naman ng mga tao sa programang nagpatuloy kahit nagpaalam na ang mga orihinal na host sa producer nito, ang TAPE Inc.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"'Yun nga lang siyempre, hindi ko akalain yung puna ng iba ang daming... 'Yung nauso yung social media, lahat ang daming nagkokomentaryo 'di ba? Labas na ako 'dun"

Gayunpaman, nabanggit niyang nalalapit na umano ang paghuhukol kung saan malalaman na nila kung magagamit at madadala nila ang pangalang 'Eat Bulaga' na siya umano ang nakaisip.

"Nasa batas 'yan Jules. Nakasulat e, Kung sino ang nakaisip, sa kanya 'yan. Until his death, plus 50 years after his death demise."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Julius Babao Unplugged:

Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon. Si Joey De Leon, na isa sa mga haligi ng Eat Bulaga ang siyang nakaisip din ng pangalan ng programang minahal ng mga Pilipino sa loob ng 44 taon.

Read also

Joey De Leon sa GMA: "Oy, seven! Kayo ba tumawag na oy, okay ba kayo?"

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica