TAPE Inc, sinabing mananatili ang Eat Bulaga kasama ang mga umano'y bagong hosts
- Naglabas na ng pahayag ang TAPE Inc. kaugnay sa pamamaalam ng Tito, Vic at Joey sa kanilang produksyon noong May 31
- Kapansin-pansin sa pahayag na tila sila pa rin umano ang magpapatakbo ng programang 'Eat Bulaga', kasama ang mga umano'y bagong magiging bahagi ng programa
- Ayon pa sa pahayag, sisiguraduhin nilang mas masaya, mas nakakaaliw at higit pa sa isang libo at isang tuwa ang magiging bagong 'Eat Bulaga'
- Gayunpaman, ninirespeto raw umano nila ang naging desisyon ng TVJ na pamamaalam sa kanila na gumulantang sa publiko kamakailan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa inilabas na opisyal na pahayag ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. Kapansin-pansin na tila sila pa rin umano ang mamahala sa programang 'Eat Bulaga.'
Ito ay matapos ang umano'y pamamaalam ng mga pangunahing host ng programa na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon noong May 31 kung saan hindi na sila sumaere ng live noong araw na iyon, maliban na lang sa maiksing video na naglalaman ng kanilang pamamaalam sa produksyon na gumulantang sa publiko.
"Abangan niyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Asahan niyo ang mas masaya, mas nakakaaliw at higit pa sa isang libo't isang tuwa na Eat Bulaga. Patuloy ang Dabarkads na maglilingkod sa inyo, mga Kapuso, mula Aparri hanggang Jolo at sa buong mundo"
"Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa Instagram Story ni Mayor Bullet Jalosjos ng TAPE Inc. na naibahagi rin ng CNN Philippines:
Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.
Inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang posibleng pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulaga. Nangyari na ito kamakailan na labis na ikinagulat ng marami.
Sa isang episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy Fermin ang posibilidad na mauwi umano sa demendahan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga at ng TAPE Inc.
Dahil sa mga nangyayari, palaisipan kung ano mangyayari sa mga orihinal na host ng Eat Bulaga maging ang kanilang mga kasalukuyang kasama sa programa na namaalam na rin 'di umano sa TAPE.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh