Ogie, may nakausap sa GMA: "Feeling niya gustong bigyan ng bagong bihis ang Eat Bulaga"

Ogie, may nakausap sa GMA: "Feeling niya gustong bigyan ng bagong bihis ang Eat Bulaga"

- Ibinahagi ni Ogie Diaz na mayroon umano siyang nakausap mula sa GMA tungkol sa isyu ng Eat Bulaga

- Aniya, maaring gustong bigyan ng bagong bihis ng mga Jalosjos ng TAPE Inc. ang Eat Bulaga

- Ito raw marahil ang mariing tinanggihan ng mga orihinal na host na sina Tito, Vic at Joey

- Matatandaang unang nagpaunlak ng panayam si Mayor Bullet Jalosjos ng TAPE Inc., bago ang kabi-kabilang pagpapa-interview ni Senator Tito Sotto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Ogie Diaz ang umano'y naging usapan nila ng isang taong mula umano sa GMA.

Nalaman ng KAMI na tungkol umano ito sa kontrobersiyang bumabalot sa Eat Bulaga at sa TAPE Inc.

Ayon sa nakausap ni Ogie, maaring nais bigyan ng bagong bihis ng TAPE ang Eat Bulaga siyang tinanggihan ng mga original host nito na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.

Read also

Ogie Diaz, wala umanong natanggap na pakikiramay mula sa LizQuen

"Meron nga akong nakausap Loi no. Feeling niya, nung kausap ko na taga-GMA na feeling niya, gustong bigyan ng bagong bihis ang Eat Bulaga. Dahil sinabi nga raw ni Sen sa ano, na ang Eat Bulaga ay kay Joey De Leon. Kaya tinanong si Tito Sen kung may intellectual property ito, ang sabi niya hindi na kailangan yun"

Sa pagsasalita naman ni Mayor Bullet Jalosjos, isa umanong indikasyon ito na tila pagpapa-resign sa TVJ sa programang sila umano ang bumuo.

"Tapos ang sabi pa, feeling niya siguro kaya nagsalita raw si Bullet para-i-trigger 'yung TVJ para maramdaman ng TVJ na ano, magre-resign ba kayo o hindi. parang ganon"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ang galing nga ng kausap ko. 'Di ba pansinin mo, Kasi kung mapapag-usapan nila 'yan, di yan magpapa-interview dun. kung gusto talagang i-maintain ng mga Jalosjos ang TVJ. Pag-usapan nila 'yan na di naggi-guest guest pa"

Read also

Tito Sotto, sinabing sumama umano ang loob nina Vic at Joey: "galit na galit"

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie Diaz mula sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.

Kabi-kabilang balita ngayon ang lumalabas at nagsasabing mawawala na umano ang 'Tito, Vic and Joey' na siyang mga original hosts ng programa, 44 taon ang nakalilipas.

Kaugnay nito, nagpaunlak ng panayam si Mayor Bullet Jalosjos, Chief Finance Officer ng TAPE Inc., sa programang Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa isyu. Naglabas siya ng mga pahayag mula sa TAPE, tungkol sa rebranding umano na magaganap sa programa. Matapos ito, kabi-kabilang interviews din ang pinaunlakan ni Senator Tito Sotto upang ibahagi naman ang panig nila bilang host ng nasabing programa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica