Ogie Diaz, wala umanong natanggap na pakikiramay mula sa LizQuen

Ogie Diaz, wala umanong natanggap na pakikiramay mula sa LizQuen

- Hindi raw umano nakatanggap ng pakikiramay si Ogie Diaz, mula kina Liza Soberano at Enrique Gil

- Marami ang nagtatanong lalo na at dati niyang naging talent si Liza Soberano sa loob ng isang dekada

- Subalit sa kasamaang palad, walang natatanggap na anumang pabatid ng pakikiramay kahit manlang sa text

- Ani Ogie, maaring busy lang umano si Liza kaya hindi ito nakapagpadala manlang ng mensahe

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi raw umano nagpadala ng anumang uri ng pakikiramay si Liza Soberano sa dati niyang manager na si Ogie Diaz.

Ogie Diaz, wala umanong natanggap na pakikiramay mula sa LizQuen

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa namayapa na ang ina ni Ogie Diaz na si Carmen Diaz Pandaan sa edad na 87.

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, natanong mismo ni Mama Loi si Ogie kung nakiramay ba ang dati nitong alaga. Marami rin daw kasi ang nagtatanong ukol dito.

Read also

Tito Sotto, sinabing sumama umano ang loob nina Vic at Joey: "galit na galit"

"Sa Friday pa naman ang libing ng Nanay ko. Hindi natin alam baka magpaabot si Liza. So far wala akong natatanggap na Viber or text kay Liza. malay naman natin 'di ba? umabot hanggang Friday. Naku, may deadline? Pero okay lang naman. Kung sino lang 'yung makakaalala"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Malay mo naman Loi, busy lang ang lola mo. 'Yun nalang isipin natin," ani Ogie.

"Alam mo, hindi tayo pwedeng magdikta kung sino 'yung gusto nating makiramay sa atin. Kung sino 'yung gustong makaalala na makiramay ng taos sa puso... 'yun ang mangumusta sa atin. or makiramay sa atin"
"Pero 'pag hindi nararamdaman 'yung sinseridad ng pakikiramay, 'wag gawin. Ganun lang naman 'yun"

Ngunit maging ang boyfriend nitong si Enrique Gil ay hindi rin umano ng nagparating ng pakikiramay sa pamilya ng dating manager ni Liza.

Read also

Tito Sotto sa nangyayari sa Eat Bulaga at TAPE Inc.: "We we're hurt, we were disappointed"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Matatandaang, marami ang sumubaybay sa mga pahayag ni Ogie kaugnay sa kontrobersiyang dulot ng mga rebelasyon ng dati niyang alaga na si Liza Soberano. Nagsimula ito sa 'This is me' vlog ni Liza. Na sinundan ng ilan pang mga interview na siyang lalong naging usap-usapan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel