Ogie D sa komentong tila dog show na ang Darna: "Feeling ko sinasadya 'yun"
- Tila sinasadya na umano ni Darna ang ilang eksena nila sa serye upang mapag-usapan ayon kay Ogie Diaz
- Nilalarawan na kasi ng ilan na nagmistulang dog show na ito dahil sa mga eksenang nagpapataas umano ng kilay ng ilan
- Tulad ng nag-viral na bahagi kung saan ang lahat ng tao sa munisipyo ay napasayaw dahil sa powers ng sekretarya ng alkalde
- Dahil daw sa mga eksenang ganito, pinag-uusapan ang serye at nakakahikayat na panoorin pa ng mas marami
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Marami-rami na ang mga naglalabas ng video clips mula sa Darna na animo'y naging dog show na sa ilang eksena.
Nalaman ng KAMI na isa ito sa dahilan bakit napapag-usapan ang naturang serye kamakailan dahil umano sa nadadalas na ganitong mga eksena.
Marami 'di umano ang tila nagpataas ng kilay habang naging katatawanan naman ito para sa marami.
Paliwanag ni Ogie Diaz sa kanyang pinakabagong Showbiz Update, maaring sinadya umano ang mga ganitong klaseng eksena upang madaling matandaan ng mga manonood at abangan pa ang mga susunod na mangyayari.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Kaya feeling ko sinasadya 'yun para maapektuhan 'yung panonood ng mga tao at ang ending, huh? ba't nagkaganito... Babalikan yung eksena atapos iti-tweet. Ipo-post sa Facebook, ipo-post sa TikTok. Kaya lalong nacu-curious ang mga tao na, ha? San' to? Manood nga ako," ani Ogie.
"'Pag medyo off 'yung scene, 'pag medyo huh? Ba't nangyari 'yun, dinudukot nila, bina-viral kaya ang ending nagti-trending," dagdag pa nito.
Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.
Sa naturang episode din ng Showbiz Update nabanggit nina Mama Loi at Ogie Diaz ang tungkol sa pahayag ng ABS-CBN International sa inaakalang pagkansela ng Darna sa Indonesia. Ito ay matapos na mapabalitang hindi na ito ipalalabas matapos ang dalawang linggo nitong pagsasa-ere. Agad na nabigyang linaw ito at patuloy pa rin itong mapapanood sa nasabing bansa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh