Allan K, napahagulgol nang maka-relate sa dabarkads na nawalan ng mister dahil sa COVID-19
- Biglang napahagulhol si Allan K nang magbigay ng mensahe ang isang dabarkads na namatayan ng asawa dahil sa COVID-19
- Nakaka-relate umano si Allan K na namatayan ng mahal sa buhay dahil sa nasabing virus
- Maging si Jose ay naging emosyonal din sa kwento ng dabarkads at naikwento rin ang karanasan sa huling sandali ng kanyang ina
- Matatandaang ngayon pandemya, bukod sa pagsasara ng ilang negosyo ni Allan K, malaking dagok din sa kanya ang pagpanaw ng ilang mahal sa buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi napigilang mapahagulhol ni Allan K sa 'Bawal Judgmental' dahil sa kwento ng isa nilang panauhin na namatayan ng asawa, apat na buwan matapos silang ikasal.
Nalaman ng KAMI na COVID-19 ang ikinamatay ng asawa ng dabarkads na si Cristy na labis na ikinagulat ang pangyayari.
Aniya, pareho silang tinamaan ng virus. Subalit dahil mild lamang ang kanyang sintomas, pumirma na lamang siya ng waiver upang sa kanilang bahay na lamang magpagaling.
Habang ang kanya noong mister ay naiwan sa ospital at umabot sa puntong sinuportahan na ng oxygen ang paghinga.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakaka-video call pa raw niya ang mister kaya naman hindi niya akalaing lalala ang kalagayan nito.
Hanggang sa nakatanggap na lamang siya ng tawag sa tagapag-alaga nito na sinasabing tila hindi na kakayanin ng kanyang mister.
Sinubukan pa raw makiusap ni Cristy sa doktor ngunit ipinaliwanag nitong hindi na maganda ang lagay ng baga ng mister kaya't wala na silang magagawa pa.
Sariwa ang masakit pa para kay Cristy ang nangyari lalo na at hindi manlang siya nakapagpaalam sa mister.
Hindi na rin kasi nito nakita ang anak nilang ginawa pa niyang 'Junior' bilang alaala ng kanyang yumaong asawa.
"Magparamdam ka naman, kahit sa panaginip lang", ang nasabi ni Cristy na siyang nagpahagulhol kay Allan K gayung ito rin ang madalas niyang masabi sa mga kapatid na pumanaw dahil din sa virus na patuloy pa ring kumakalat.
"Sinasabi ko rin kasi 'yan sa mga kapatid kong nawala na. Kasi nga hindi ko sila nakita hanggang sa sinunog. Sabi ko, hindi manlang tayo nag-usap usap. Kausapin niyo naman ako kahit sa panaginip lang, magpakita kayo," pahayag ni Allan K habang patuloy na umiiyak.
Si Allan K ay isa sa mga host ng longest running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host na nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey."
Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.
Source: KAMI.com.gh