Brilliant Skin owner, ibinahagi kay Big Brother ang mga naging trabaho niya bago siya maging boss

Brilliant Skin owner, ibinahagi kay Big Brother ang mga naging trabaho niya bago siya maging boss

- Naibahagi ng house guest sa Pinoy Big Brother house na si Glenda Victorio ang mga naging trabaho niya bago siya maging boss

- Siya ang owner ng Brilliant Skin beauty and cosmetics brand na patok sa Pilipinas

- Naikwento niya na sa murang edad ay naging team leader siya ng call center ngunit natanggal dahil sa underage pa lamang siya

- Subalit ito ang naging daan para pasukin niya ang pagiging online seller na labis niyang napalago

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kahanga-hanga ang naikwento ng house guest na si Glenda Victorio, ang owner na Brilliant Skin beauty and cosmetics brand sa loob ng bahay ni Kuya.

Nalaman ng KAMI na naitanong ni Big Brother kay Glenda kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan noon bago siya maging isang ganap na CEO ng sarili niyang kompanya.

Read also

Janella Salvador, matagal nang alam na crush siya ni Joshua Garcia noon

Brilliant Skin owner, ibinahagi kay Big Brother ang mga naging trabaho niya bago siya maging boss
Photo: Pinoy Big Brother House
Source: UGC

"Ang dami ko pong naging trabaho kuya naging writer, naging graphic artist, gumagawa po ako ng website and 'yung isa po sa maipagmamalaki ko at the age of 14, I became a team leader po sa isang call center... Hindi po ako nagtagal, natanggal po ako kasi underage po ako," kwento ni Glenda.

Subalit ang karanasang ito ang naging daan niya upang magbukas muli ng panibagong oportunidad at ito nga ay ang pagnenegosyo online.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"So 'yung journey ko po hindi po siya naging madali. Talaga pong laging may challenge."

Sa ngayon, nasa 700 na mga empleyado ang pinamumunuan ni Glenda sa kanyang patok na business na mga skin care products.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Pinoy Big Brother YouTube channel:

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Bongbong Marcos sa kanyang magiging COVID-19 response; "No more lockdowns"

Matapos ang PBB Kumunity celebrity edition Season 10 ay agad na sinimulan ang PBB adult edition. Sampung housemates ang unang pumasok na kinabibilangan nina Nathan at Raf, Gin, Thamara, Seham, Aleck, Zack, Michael Ver, Laziz at Isabel.

Kamakailan, umantig sa puso ng netizens ang kwento ng isa rin sa mga adult housemates na si Isabel Laohoo na sa kabila ng kinalakhang marangyang pamumuhay ay nakararamdam din ng labis na kalungkutan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel