Julius Babao, tuluyan nang iniwan ang ABS-CBN matapos ang 28 na taon na pagiging Kapamilya

Julius Babao, tuluyan nang iniwan ang ABS-CBN matapos ang 28 na taon na pagiging Kapamilya

- Namaalam na sa ABS-CBN ang kilala nilang news anchor na si Julius Babao

- Ngayong bisperas ng Bagong Taon, pormal na niyang inihayag ang pag-iwan sa network makalipas ang halos tatlong dekada

- Masasabi niyang sa ABS-CBN natupad ang dating mga pinapangarap lamang niya

- Kamakailan, naging emosyonal si Karen Davila sa kanyang post patungkol sa umano'y pag-alis ng katrabaho at kaibigan niyang si Julius Babao

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinumpirma na mismo ni Julius Babao ang kanyang paglisan sa ABS-CBN matapos ang 28 na taon na pagiging Kapamilya.

Nalaman ng KAMI na sa bisperas ng Bagong Taon, tuluyan nang nagpaalam sa ABS-CBN ang batikang news anchor na sinasabing lilipat umano sa News 5.

Naging matunog ang kanyang paglipat at siya umano ang papalit kay Raffy Tulfo sa progama nitong Frontline Pilipinas.

Read also

Wilbert sa mga umano'y tumutuligsa kay Madam Inutz: "Lumaban kayo ng patas!"

Julius Babao, tuluyan nang iniwan ang ABS-CBN matapos ang 28 na taon na pagiging Kapamilya
Julius Babao kasama ang katrabaho at kaibigang si Karen Davila (Photo from Karen Davila)
Source: Facebook

Sa kanyang pahayag sa TV Patrol, pinasalamatan niya lahat ng Kapamilya na kanyang nakasalamuha sa loob ng halos tatlong dekada.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi po ito pamamaalam kundi isang pagpapahayag ng pasasalamat. Sa lahat ng aking naging kapamilya, at sa loob ng 28 taon, dito na po ako lumaki sa ABS-CBN, kung inyong mapapansin napakapayat ko pa noon. Nagkaroon ng magandang karera, nakilala ang aking magandang asawa at nagkaroon ng pagkakataong makatulong sa maraming mamamayan. Hindi ko na masyadong iisa-isahin mga kapamilya, sasabihin ko nalang po sa inyo dito, sasabihin ko na lang na dito sa ABS-CBN, natupad ang mga pangarap ko sa buhay."

Pinasalamatan din niya ang kanyang mga naging boss sa ABS-CBN na nirespeto naman ang desisyon ni Julius at walang ibang hangad kundi ang patuloy na pagtamasa nito ng tagumpay.

Read also

Viral na balikbayan na umalis sa quarantine facility, umamin na

Si Julius Babao ay kilalang Filipino broadcast journalist, radio commentator at dating talk show host ng ABS-CBN. Napangasawa niya ay kapwa news anchor at host na si Christine Bersola-Babao.

Kamakailan, isang emosyonal na post ang naibahagi ni Karen Davila patungkol sa kapwa niya news anchor na si Julius Babao.

Tila kinumpirma nito ang pag-alis ng katrabaho na 'huling linggo' na raw sa kanilang programa.

"I’m feeling nostalgic anchoring with Julius on his last week with ABSCBN."

Gayunpaman, alam naman ni Karen na magkikita pa rin sila ni Julius at wala siyang ibang hiling kundi ang kabutihan para sa kaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel