Eat Bulaga, nag-ala 'Squid Game' dahil sa nakatutuwang Holloween costume ni Allan K

Eat Bulaga, nag-ala 'Squid Game' dahil sa nakatutuwang Holloween costume ni Allan K

- Kinagiliwan ang napapanahong costume ni Allan K na hango sa Netflix hit na 'Squid Game'

- Pinili niyang maging si "Younghee", ang 'Green light, red light" doll na gamit sa isa sa mga challenges sa series

- Ang ilan naman nilang staff at naka-costume na 'player' ng naturang netflix series

- Si Tali na anak ni "Bossing" Vic Sotto ay nag-costume naman ng cute na skeleton

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang natuwa sa napapanahong costume ni Allan K na hango sa Netflix hit series na "Squid Game."

Nalaman ng KAMI na pinili ni Allan K na maging si "Younghee", ang 'Green light-red light" doll sa 'Squid Game'.

Ang ilang staff ng noontime show, nag-costume naman na mga player ng naturang Netflix hit series.

Eat Bulaga, nag-ala 'Squid Game' dahil sa nakatutuwang Holloween costume ni Allan K
Allan K (Photo from Eat Bulaga)
Source: Facebook

"Sabi sa inyo sa manyika ako pinaglihi," pahayag ni Allan K.

Read also

Alex, Toni at Seve bilang sina Miss Minchin, Sarah Crew at Cedie, kinagiliwan ng netizens

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi rin sa mismong Facebook page ng Eat Bulaga ang makulit na picture ng kanyang Halloween costume.

Mayroon na itong 51,000 reactions, 1,700 comments at 832 shares.

Samantala, ang cute na cute na anak naman nina "Bossing" Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto na si Tali ay naging little skeleton naman sa kanyang Halloween costume.

"Meron ding babati sa inyo. Nakakita na kayo ng skeleton na chubby," ayon kay Bossing Vic habang ipinakikita ang super cute na si Tali na bumati sa mga Dabarkads ng 'Happy Halloween'

Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa Pilipinas. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host na nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey."

Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.

Read also

Alex at Toni Gonzaga, kinaaliwan sa kanilang "Sarah at Miss Minchin" costumes

Matatandaang nag-viral din ang nakamamanghang kwento ng pag-ibig ni Danny Cortezano at ang kanyang namayapa nang misis na si Lorna.

Buong tapang na naikwento rin ni Danny sa 'Bawal Judgmental' ang masasayang taon na nakasama niya ang misis hanggang sa mga huling sandali nito lamang Disyembre ng 2020 bago ito bawian ng buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica