Alex, Toni at Seve bilang sina Miss Minchin, Sarah Crew at Cedie, kinagiliwan ng netizens

Alex, Toni at Seve bilang sina Miss Minchin, Sarah Crew at Cedie, kinagiliwan ng netizens

- Agad na nag-viral ang mga larawan nina Alex Gonzaga at mag-inang sina Toni at Seve para sa kanilang Halloween costume

- Si Alex ay nagdamit 'Princess Sarah' habang ang kanyang ate naman ay naging si 'Miss Minchin'

- Mas lalong natuwa ang netizens nang mag-costume na si 'Cedie' ang anak ni Toni na si Seve

- Agad ding nag-viral ang makulit na TikTok nilang tatlo na naibahagi rin sa Facebook page ni Alex

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tuwang-tuwa ang netizens sa makulit na Halloween costume nina Alex Gonzaga at mag-inang Toni Gonzaga at Seve.

Nalaman ng KAMI na unang ibinahagi ni Alex ang mga pictures nila ni Toni bilang sina 'Miss Minchin' at 'Sarah Crew.'

Toni, Alex at Seve bilang sina Miss Minchin, Sarah Crew at Cedie, kinagiliwan ng netizens
Toni at Alex Gonzaga (Photo: Screengrab from Alex Gonzaga official)
Source: Facebook

Aliw na aliw ang mga nakakita nito at talagang 'in-character' daw talaga ang dalawa.

Subalit mas lalong naaliw ang netizens nang ibahagi na rin ni Alex ang kanilang TikTok video na mag-ate kung saan kasama na nila si Seve, ang anak ni Toni bilang si "Cedie, Ang munting Prinsipe."

Read also

Eat Bulaga, nag-ala 'Squid Game' dahil sa nakatutuwang Holloween costume ni Allan K

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang komento ng ilang netizens:

"As usual, the best sibling tandem"
"Ang kulit niyo po, every Halloween inaabangan ko po talaga ang pasabog niyo"
"Super cute naman ni Seve, bagay na bagay talaga ang pagiging Cedie niya pati hair"
"Nakakautuwa ang Gonzaga sisters, pangtanggal ko talaga sila ng stress ko"
"Akala ko Miss Minchin at Sarah Crew lang, may cute na cute na Cedie pa pala"
"Ang cute niyo po lahat lalo na si Cedie na mukha talagang munting prinsipe"

Si Alex Gonzaga ay isang Filipina actress, TV host at comedienne. Isa rin si Alex sa mga matagumpay na YouTube vlogger sa bansa. Dahil dito, siya rin ang naka-engganyo sa kanyang kapatid na si Toni Gonzaga na pasukin na rin ang mundo ng YouTube. Maging ang kanilang mga magulang na sina Pinty at Bonoy Gonzaga ay mayroon na ring sarili nilang channel.

Read also

Alex at Toni Gonzaga, kinaaliwan sa kanilang "Sarah at Miss Minchin" costumes

Kamakailan, kasama ang asawang si Mikee Morada, inilahad nila ang malungkot na balita tungkol sa miscarriage na nagyari kay Alex.

Minabuti na rin ng TV host na bumalik na sa noontime show nila na 'Lunch Out Loud' matapos ang pangyayaring ito sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel