Jolina, ibinahagi ang rehearsal video ng Rivermaya: "Kita kita tayo!"

Jolina, ibinahagi ang rehearsal video ng Rivermaya: "Kita kita tayo!"

- Na-share ni Jolina Magdangal ang rehearsal video ng Rivermaya para sa kanilang reunion concert

- Kuha ito ni Bojie Yangco na tulad ni Jolina ay na-excite nang makitang buo ang grupo makalipas ang ilang dekada

- Nakatakdang ganapin ang kanilang reunion concert sa SMDC Festival Grounds sa Pebrero 2024

- Si Jolina Magdangal ang misis ng drummer ng bandang Rivermaya na si Mark Escueta

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang ibinahagi ni Jolina Magdangal ang rehearsal video ng bandang Rivermaya na kinabibilangan ng kanyang mister na si Mark Escueta.

Jolina, ibinahagi ang rehearsal video ng Rivermaya: "Kita kita tayo!"
Jolina Magdangal (@mariajolina_ig)
Source: Facebook

Ito marahil ay bilang paghahanda sa kanilang nalalapit na reunion concert sa February 17, 2024, sa SMDC Festival Grounds.

Sa video na orihinal na kuha umano ni Bojie Yangco, mapapanood ang 2023 na bersyon ng Rivermaya ng kanilang kantang may pamagat na 'Hilo' mula sa ikalawang album nila na 'Trip'.

Read also

Cristy Fermin: "Si Richard talaga ang pinakamabait na Gutierrez"

Makalipas ang ilang dekada, masasabing isa ito sa unang pagkakataong makikita na kasama ng grupo si Bamboo na matagal na rin nilang hindi napapanood na mag-perform kasama ang grupo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayundin si Rico Blanco na nagkaroon din ng solo career matapos na iwan ang pagbabanda.

Samantala, isa si Jolina sa excited sa naturang reunion concert na pinakaaabangan ng marami lalong-lalo na ng Rivermaya fans.

"Kita kita tayo!" ang caption ng kanyang repost.

Ang bandang Rivermaya ay unang nakilala noong 1994. Ilan sa mga orihinal na miyembro nila ay sina Mark Escueta, Nathan Azarcon, Rico Blanco at Bamboo.

Minsan din nilang naging bokalista si Jason Fernandez na naging bahagi ng singing show na The Voice Philippines, Season 2.

Si Jolina Magdangal ay isang singer, actress at entrepreneur sa Pilipinas. Sa ngayon, aktibo pa rin siya sa showbiz bilang isa sa mga host ng 'Magandang Buhay' kasama si Melai Cantiveros at ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Napangasawa ni Jolina ang drummer ng Rivermaya na si Mark Escueta.

Read also

Cristy sa muling pagsasama ng KathNiel: "Very professional sila"

Marami ang patuloy pa rin na humahanga kay 'Momshie Jolens' dahil na rin sa mga nakakaaliw niyang post lalo na ang mga videos na kasama ang mga anak na sina Pele at Vika.

Kamakailan, nadadalas din ang pagbabahagi ng mga throwback pictures at videos ni Jolina na labis namang ikinatuwa ng kanyang mga fans at followers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel