Skusta Clee, iniba na ang lyrics ng kanyang kantang "Zebbiana"

Skusta Clee, iniba na ang lyrics ng kanyang kantang "Zebbiana"

-Viral ngayon ang video ni Skusta Clee na kumakanta ng Zebianna

- Hiling ito ng crowd ngunit ginulat niya ang mga ito nang palitan niya ng lyrics

- Matatandaang ang awit na ito ay ginawa ni Skusta para sa dating kasintahan na si Zeinab Harake

- Subalit kamakailan lang, lantaran na ang pag-post ng mga larawan ng sinasabing bagong 'baby' ni Daryl na kasama siya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Usap-usapan ngayon ang video ni Skusta Clee kung saan kinanta niya sa isang event sa Aurora ang awitin niyang "Zebbiana"

Skusta Clee, iniba na ang lyrics ng kanyang kantang "Zebbiana"
Skusta Clee (@extraordinaryl)
Source: Facebook

Sa video na ibinahagi rin ng Isyus, nakikitang hiling ng audience na kantahin ni Skusta ang nasabing awitin na kanyang ginawa noon para umano sa dating kasintahang si Zeinab Harake.

Nalaman ng KAMI na ginulat nito ang kanyang fans nang sa bungad pa lang ng awitin, iniba na nito ang lyrics.

Read also

Skusta Clee, binahagi sa Twitter ang isang linya sa bagong kanta nila

"Hindi na ikaw ang baby ko," aniya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

At pagdating pa sa lyrics, tuluyan na rin niyang binago ang letra ng kanyang kanta.

"Sayang 'di na ikaw ang baby ko, ang baby ko..." ang bahagi ng binagong lyrics ni Skusta.

Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi rin ng Layud Vloggers:

Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".

Kamakailan, gumawa ng ingay sa social media ang rebelasyon ng dati niyang karelasyon na si Zeinab Harake ukol sa sa estado ng kanilang realasyon.

Read also

Jodi Sta. Maria, nilinaw na wala siyang wig sa TBMV; "Buhok ko 'yun!"

Nagsimula ito nang ipaalam ni Zeinab sa publiko ang kanyang miscarriage sa ikalawa sana niyang anak kay Skusta na pinangalanan niyang Moon.

Kapansin-pansin na 'Harake' ang ginamit nitong apelyido na sinundan na ng paghahayag ni Zeinab ng hiwalayan nila ng ama ni Bia.

Samantala, mismong si Skusta naman na ang nag-post sa kanyang Instagram story ng umano'y larawan nila ng bago niyang baby na si Aira Lipata. Sinundan naman ito ng kontrobersyal na post ni Aira kung saan pina-tattoo niya sa kanyang tagiliran ang pangalan ni Skusta.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel