Cristy Fermin, sinabing mas mainam kung walang sinuportahang kandidato ang Ben&Ben

Cristy Fermin, sinabing mas mainam kung walang sinuportahang kandidato ang Ben&Ben

- Nasabi ni Cristy Fermin na mas mainam kung walang inakyatang entablado ng kandidato ang bandang Ben & Ben

- Ito ay dahil sa iba't iba umanong mga panlasa ng mga Pilipino pagdating sa pagpili ng kanilang kandidato na maaring makaapekto rin sa sarili nilang mga tagahanga

- Isa lamang ang Ben & Ben sa mga hayagang nagbigay ng suporta kay Vice President Leni Robredo at sa kanyang grupo

- Sinabi rin ng banda na wala umano silang tatanggapin na anumang kabayaran sa pagsama nila sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' at ng tropang Angat

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nabanggit ni Cristy Fermin na tila mas mainam na hindi na umano sumuporta sa kaninomang kandidato ang bandang Ben & Ben.

Matatandaang ang bandang Ben & Ben ay hayagang nagbigay suporta kay Vice President at presidential candidate Leni Robredo at kanyang grupo.

Read also

Cristy Fermin, hanga sa ganda at pag-aalaga sa sarili ni Bea Alonzo

Cristy Fermin, sinabing mas mainam kung walang sinuportahang kandidato ang Ben&Ben
Cristy Fermin, sinabing mas mainam kung walang sinuportahang kandidato ang Ben&Ben (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa bagong episode ng Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio, napag-usapan nila ang 'PasigLaban' campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' at ng senatoriables nila na "Tropang Angat."

Ayon kay Cristy, maari umanong makaapekto ang pagpanhik ng Ben & Ben sa kampanya sa kanila namang sariling mga supporters na mayroon umanong panlasa sa pagpili ng kanilang kandidato.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Pero kung ako sa Ben & Ben, hindi ako aakyat sa anumang entablado ng mga pulitiko. Unang-una ang kini-cater mo, sambayanang Pilipino na may kakaibang panlasa dito sa eleksyon na ito. Sana 'yung Ben & Ben ano, hindi na lang sila nag- participate."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy Fermin sa mula sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Read also

Elha Nympha, naglabas ng resibo na 'di siya bayad sa pagsuporta kay VP Leni

Kinumpirma ng bandang Ben & Ben ang pakikiisa nila sa kampanya ni Vice President Leni Robredo sa pagkandidato nito bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Ayon pa sa grupo, boluntaryo ang kanilang ginagawa at at hindi umano sila bayad sa pagsuporta kina VP Leni.

Nabanggit din sa naturang post na ang unang ganap na pupuntahan ay ang Pasig na halos susundan ng pagkampanya sa mga Kakampink ng Nueva Ecija.

Isa lamang ang Ben & Ben sa mga grupo ng musikero sa bansa na hayagang sumusuporta sa Leni- Kiko tandem at kanilang mga senatoriables.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel