Elha Nympha, naglabas ng resibo na 'di siya bayad sa pagsuporta kay VP Leni

Elha Nympha, naglabas ng resibo na 'di siya bayad sa pagsuporta kay VP Leni

- Inilabas ni Elha Nympha ang umano'y resibo niya ng boluntaryong pagtatanghal sa campaign rally ng 'Leni-Kiko' tandem

- Ito ay matapos na akusahan siya ng ilang netizens na isa rin sa binayarang performer para sa mga People's rally

- Ipinakita ni Elha ang palitan nila ng private message ng Robredo People's Council

- Ito ay para ipakitang boluntaryo at wala siyang hinihinging kapalit sa pagpe-perform sa rally na gaganapin umano sa Abril

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapang na inilabas ni Elha Nympha ang umano'y resibo na magpapatunay na hindi sila bayad sa pagsuporta kina presidential aspirant VP Leni Robredo at running mate nito na si Senator Kiko Pangilinan na tumatakbo.

Elha Nympha, naglabas ng resibo na 'di siya bayad sa pagsuporta kay VP Leni
Elha Nympha, naglabas ng resibo na 'di siya bayad sa pagsuporta kay VP Leni
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na aktibo si Elha sa kanyang Twitter kung saan niya ipinakita rin ang mga resibo na private message sa Robredo People's Council.

Read also

Elha Nympha, sinagot ang mga bashers kaugnay sa pagiging 'Kakampink' niya

Sa nasabing mensahe makikitang si Elha ang unang nagpadala ng mensahe sa grupong sumusuporta kay Robredo.

"Ay! Resibo po ba? Ito po oh Basahin po maigi ha! Resibo yan"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang post, makikita ang reply ng grupo na kinuha lamang pangalan ni Elha gayung wala pang kumpirmadong petsa ang gaganaping People's rally sa Makati na tatawagin nilang 'Makatindig.'

Ilan pang mga tweet ni Elha ang nagpapakita ng kanyang pahayag sa patuloy na pambabatikos sa kanya bilang isa sa mga umano'y mga artist na nabayaran para magtanghal.

"Hindi ko iririsk ang future ng kapwa ko pilipino para lang sa pera dahil pang sariling kasiyahan ko lang yan at ako lang mag bebenefit diyan. Baka lang sabihin nilang BAYARAN AKO" ang isa sa mga nai-tweet niya

"Sabi nung isang nag comment lumaban ka para sa bansa hindi para sa prangkisa, bat di niyo po sabihin sa iba na lumaban para sa bansa hindi para SA PERA," dagdag pa niya.

Read also

Ogie Diaz, umalma sa umano'y pekeng poster patungkol kay VP Leni Robredo

Nabanggit din niya ang pagdipensa sa sarili sa pagiging loyal niya umano sa ABS-CBN.

"Ps: Di ko kasalanang loyal ako sa ABSCBN. Parang magulang din yan tinatanawan ng utang na loob kung hindi dahil sa kanila wala ako dito. Lumalaban ako para kay Leni at sa PLATAPORMA NIYA... Di lang dahil sa prangkisa."

Si Elha Nympha ay tinanghal na grand champion ng The Voice Kids. Naging bahagi siya ng ilang Kapamilya shows kagaya na lamang ng Your Face Sounds Familiar Kids.

Bukod sa pag-amin niya noon sa pagkakaroon ng boyfriend, naging usap-usapan si Elha matapos niyang gulatin ang publiko sa kanyang body transformation. Aminado naman siyang hindi naging madali ang kanyang pagpapapayat.

Gumawa rin ng ingay kamakailan si Elha nang magparamdam ito ng pagtatanghal niya sa isa sa mga gaganaping campaign rally ng 'Leni-Kiko' tandem sa Abril.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel