Elha Nympha, sinagot ang mga bashers kaugnay sa pagiging 'Kakampink' niya

Elha Nympha, sinagot ang mga bashers kaugnay sa pagiging 'Kakampink' niya

- Sunod-sunod ang mga tweet bilang sagot ni Elha Nympha sa mga bumabatikos sa kanya sa pagiging isang 'Kakampink'

- Ito ay matapos na magparamdam siya na magtatanghal para sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem'

- Aniya, isa rin siya sa mga performers na wala umanong tatanggaping kabayaran sa pagsuporta sa pinaniniwalaan nilang presidential aspirant

- May nabanggit din siya ukol umano sa pagiging loyal niya sa ABS-CBN na naihalintulad niya sa pagiging isang magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan ngayon ang naging sagot ni Elha Nympha sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya sa pagiging isang 'Kakampink.'

Elha Nympha, sinagot ang mga bashers kaugnay sa pagiging 'Kakampink' niya
Elha Nympha, sinagot ang mga bashers kaugnay sa pagiging 'Kakampink' niya (@elhamaenymphaofficial)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na inulan ng mga komento ng bashers si Elha matapos nitong magparamdam na magiging performer umano siya ng isa sa mga campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem.'

Halos sunod-sunod ang mga naging tweet ni Elha bilang sagot sa kabi-kabilang panghuhusga sa kanya na isa umano sa mga nabayarang magtanghal sa mga People's rally ng 'Kakampink.'

Read also

Elmer Cordero ng Piston 6, nagpakita ng suporta kay VP Leni Robredo

"Hindi ko iririsk ang future ng kapwa ko pilipino para lang sa pera dahil pang sariling kasiyahan ko lang yan at ako lang mag bebenefit diyan. Baka lang sabihin nilang BAYARAN AKO" ang isa sa mga nai-tweet niya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sabi nung isang nag comment lumaban ka para sa bansa hindi para sa prangkisa, bat di niyo po sabihin sa iba na lumaban para sa bansa hindi para SA PERA," dagdag pa niya.

Nabanggit din niya ang pagdipensa sa sarili sa pagiging loyal niya umano sa ABS-CBN.

"Ps: Di ko kasalanang loyal ako sa ABSCBN. Parang magulang din yan tinatanawan ng utang na loob kung hindi dahil sa kanila wala ako dito. Lumalaban ako para kay Leni at sa PLATAPORMA NIYA... Di lang dahil sa prangkisa."

Narito ang kabuuan ng mga tweet ni Elha:

Read also

Kakampink couple, na-engage sa kasagsagan ng People's rally sa Pasig City

Si Elha Nympha ay tinanghal na grand champion ng The Voice Kids. Naging bahagi siya ng ilang Kapamilya shows kagaya na lamang ng Your Face Sounds Familiar Kids.

Bukod sa pag-amin niya noon sa pagkakaroon ng boyfriend, naging usap-usapan si Elha matapos niyang gulatin ang publiko sa kanyang body transformation. Aminado naman siyang hindi naging madali ang kanyang pagpapapayat.

Gumawa rin ng ingay kamakailan si Elha nang magparamdam ito ng pagtatanghal niya sa isa sa mga gaganaping campaign rally ng 'Leni-Kiko' tandem sa Abril.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel