Ella Nympha, hot topic sa social media dahil sa kanyang swimsuit photos

Ella Nympha, hot topic sa social media dahil sa kanyang swimsuit photos

- Trending sa social media ang teen singer na si Elha Nympha matapos niyang ibahagi ang kanyang mga litrato

- Marami ang lalong humanga sa pagbabago sa dalaga na kitang-kita sa kanyang mga swimsuit photos

- Matatandaang kamakailan lang ay inamin ng mang-aawit na si Brian Gazmen na nagkahiwalay na sila ni Elha

- Agosto ng kasalukuyang taon isinapubliko nina Elha at Brian ang kanilang relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibang-iba ang dating ni Elha Nympha sa mga ibinahagi niyang pictures sa kanyang Instagram account. Malayong-malayo na ito sa Elha na unang nakilala bilang isang batang mang-aawit na nanalo sa The Voice Kids.

Ibinahagi ni Elha ang kanyang mga swimsuit photos na kuha sa tabing dagat. Bukod sa mga netizens, maging ang mga celebrities ay hindi mapigilang mag-react sa mga pictures na ibinahagi ng dalaga.

Luis Manzano, nilinaw na engagement shoot ang naganap sa Amanpulo
Ella Nympha, hot topic sa social media dahil sa kanyang swimsuit photos

Photo from Elha Nympha (@elhamaenymphaofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging laman ng showbiz news ang dalaga matapos aminin ng mang-aawit na si Brian Gazmen na hiwalay na sila ni Elha. Ito ay ilang buwan lamang matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong Agosto ng kasalukuyang taon.

Naunang ibinunyag ni Brian sa Twitter noong November 27 na single siya at masaya. Kasunod nito ay isang TikTok video ang kanyang inilabas noong November 29 kung saan tahasan niyang sinabing hiwalay na sila ng dalaga.

Kasunod ng paglabas ng naturang TikTok video, tila isang pasaring ang naging tugon ni Elha.

"Ay sad ka pala hahahah. Wag po tayong pa victim. Pwede ako magsabi ng totoo. Still using me pa rin? May pahabol. Dami likes and shares. Na ol na lang. The audacity.'

Kaya naman, hindi mapigilang magkomento ng ilang netizens tungkol sa kanyang ex-boyfriend.

Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Elha Nympha ay tinanghal na grand champion ng The Voice Kids. Naging bahagi siya ng ilang Kapamilya shows kagaya na lamang ng Your Face Sounds Familiar Kids.

Bukod sa pag-amin sa pagkakaroon ng boyfriend, naging usap-usapan si Elha matapos niyang gulatin ang publiko sa kanyang transformation. Aminado naman siyang hindi naging madali ang kanyang pagpapapayat.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel