MMFF 2023, extended; umabot na sa Php1 billion ang kabuuang kita

MMFF 2023, extended; umabot na sa Php1 billion ang kabuuang kita

- Umabot na sa Php1 billion ang kabuuang kinita ng Metro Manila Film Festival 2023

- Sa update na ibinahagi ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Official at MMDA, makikitang marami pa rin ang mga humahabol na manood

- Magtatapos na sana ang pagpapalabas ng mga MMFF movies ngayong Enero 7

- Subalit dahil sa dami ng mga nais pa ring manood ng 10 entry sa MMFF, extended ito hanggang Enero 14

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pumalo sa tumataginting na Php1 billion ang kabuuang kinita ng 49th Metro Manila Film Festival 2023.

MMFF 2023, extended; umabot na sa Php1 billion ang kabuuang kita
MMFF 2023, extended; umabot na sa Php1 billion ang kabuuang kita (Metro Manila Film Festival (MMFF) Official)
Source: Facebook

Sa update na ibinahagi ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Official at MMDA, inanunsyo nila ito kasabay na rin ng umano'y extension para sa mga nais paring makapanood ng 10 pelikulang kalahok sa MMFF 2023.

Read also

Ogie D, nakukulangan sa dating ng Tahanang Pinakamasaya: "Sariling opinyon ko ito ah"

"In response to the public clamor, the Metro Manila Film Festival (MMFF) is proud to announce that the theatrical run of its 10 movie entries is extended."

Magtatapos na sana ang pagpapalabas ng mga MMFF movies ngayong Enero 7 subalit sa dami ng tumangkilik at mga nais na humabol sa panonood, mananatili ang mga pelikulang ito hanggang sa Enero 14.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Aside from giving a week to catch the 10 festival entries, MMFF complimentary passes will also be honored until January 14."

Sa naturang post din naibahagi ang nasabi ni Atty. Don Artes, MMDA Acting Chairman and MMFF Overall Concurrent Chairman ang tungkol sa paghahanda naman nila sa MIFF.

"Truly, MMFF 2023 is a certified box office hit. This is a good sign as we gear up for the Manila International Film Festival (MIFF),"

Read also

Raymart Santiago, pinaalalang may gag order sa annulment case nila ni Claudine Barretto

The 10 official entries are set to be screened at the inaugural MIFF on January 29 to February 2, 2024 in Los Angeles, California.

Pinaabot din nila ang taos-pusong pasasalamat sa mga tumangkilik sa MMFF 2023 na tunay na nakamit at masasabing nalampasan pa ang inaasahang tagumpay.

10 ang pelikulang naging bahagi ng 49th Metro Manila Film Festival sa taong 2023. Ito ay ang "A Family of 2 (A Mother and Son Story)," "(K)Ampon," "Penduko," "Rewind," "Becky and Badette," "Broken Heart’s Trip," "Firefly," "GomBurZa," “Mallari," and "When I Met You in Tokyo."

Isa sa mga labis na tinangkilik ng publiko sa naturang film festival ay ang pagbabalik pelikula nina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa "Rewind."

Minsan nang naikwento ni Marian na habang binabasa pa lang ang script ng naturang pelikula, labis na umano ang kanyang iniiyak. Ito ay dahil naiisip niya kung nangyayari nga ang mga eksena sa pelikula sa kanilang buhay mag-asawa. Inakala pa ng kanyang ina na siyang nakakita sa kanya na kung ano na ang problema ng aktres, kaya naman labis daw itong natawa nang malamang nagbabasa ito ng script na ganoon na lamang kaganda para mapaiyak nang husto si Marian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica