Raymart Santiago, pinaalalang may gag order sa annulment case nila ni Claudine Barretto

Raymart Santiago, pinaalalang may gag order sa annulment case nila ni Claudine Barretto

- Nagpadala ng statement sa ABS-CBN News si Raymart Santiago matapos ang naging pahayag ni Claudine Barretto sa vlog ni Luis Manzano na Luis Listens

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Gayunpaman sa pahayag ng kanyang abogado, hindi daw nila sasagutin ang naging pahayag ni Claudine dahil paglabag daw ito sa gag order na inilabas ng korte kaugnay sa kanilang annulment case na dinidinig pa

- Ito daw ay kanilang babala sa anila ay "false, malicious, and defamatory statements" ni Claudine laban kay Raymart

- Matatandaang kamakailan ay naging panauhin sa vlog ni Luis Manzano si Claudine kung saan nakapagbahagi siya ng ilang bagay kaugnay sa kanyang pinagdadaanan

Nagpadala ng statement si Raymart Santiago sa ABS-CBN news kasunod ng lumabas na pahayag ni Claudine Barretto sa vlog ni Luis Manzano. Sa statement ng abogado ni Raymart, pinaalala nilang may nilabas na gag order ang korte kaugnay sa annulment case nila.

Read also

Alden, pagod na sa gender issue: "Tingin niyo bading? Fine! Wala na bang iba?"

Raymart Santiago, pinaalalang may gag order sa annulment case nila ni Claudine Barretto
Raymart Santiago, pinaalalang may gag order sa annulment case nila ni Claudine Barretto
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“We will not address, dignify, or respond to any statements made by Ms. Barretto regarding our client, for doing so is a breach of the Gag Order issued by the Honorable Court where the parties’ case for nullity of marriage is undergoing trial.”

Nakasaad din doon ang kanilang babala sa anila ay "false, malicious, and defamatory statements" ni Claudine laban kay Raymart.

“Nobody is above the law. Let this be a stern warning that Ms. Barretto’s act of making false, malicious, and defamatory statements about our client are flagrant violations of the Gag Order issued by the court where the nullity proceedings are pending.”

Sa kasalukuyan ay naka-pribado na ang video sa YouTube channel ni Luis.

Matatandaang sa panayam ni Karen Davila, inamin ni Claudine na na diagnose siya ng Anxiety Disorder at PTSD.

Read also

Alden, nakwento ang pagiging brokenhearted: "Start of 2023, first three months of it"

Para sa kanya, ang pagiging ama at ina sa kanyang mga anak ay pinakamahirap na bahagi ng pagiging isang single mother.

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Read also

Small Laude: "My daughter got left behind because of PAL's wrong decision"

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel