Andi Eigenmann, sinabing maswerte siya kay Philmar Alipayo

Andi Eigenmann, sinabing maswerte siya kay Philmar Alipayo

- Para kay Andi Eigenmann hindi siya sumasang-ayon sa mga nagsasabing mas maswerte si Philmar Alipayo na siya ang naging partner nito

- Aniya, kung maswerte si Philmar ay maswerte din siya dito dahil may mga accomplishment din ito lalo na bilang isang professional surfer

- Sa pag-uusap nila ng kanyang kaibigand sa Mads o mas nakilala noon sa showbiz bilang si Carla Humphries, naibahagi niya ang saloobin niya kaugnay sa relasyon nila ni Philmar

- Ayon pa kay Andi, marami siyang magagandang masasabi pagdating sa katangian ni Philmar ngunit aniya ay natutunan niyang mahalin ang sarili niya nang si Philmar ang kasama niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Andi Eigenmann, kung sinasabi ng karamihan na maswerte si Philmar Alipayo sa kanya, masasabi niya na maswerte din siya kay Philmar. Sa video na binahagi Madeleine Humphries ay naibahagi ni Andi ang ilang bagay patungkol sa kanilang masayang buhay sa isla.

Read also

Miss Grace sa pagiging supportive ni PK sa kanya: "I give credit to him"

Andi Eigenmann, sinabing maswerte siya kay Philmar Alipayo
Andi Eigenmann, sinabing maswerte siya kay Philmar Alipayo (@andieigengirl)
Source: Instagram

Kabilang sa naitanong sa kanya ng kanyang kaibigang si Madz ay kung paano nasabi ni Andi na si Philmar ang tamang tao para sa kanya.

Ani Andi, maraming magagandang katangian si philmar ngunit aniya mas natutunan niyang mahalin ang kanyangn sarili nang dumating ito sa buhay n iya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Pinakita ni Andi sa kanyang bagong vlog episode ang kanilang karaniwang ginagawa kapag sila ay nasa Siargao. Sa unang bahagi ng video ay makikita si Ellie na kasama ang kapwa niya kabataan na may dala-dalang sako. Mas pinili umano nitong sumama sa mga kaibigan para mamulot ng basura at nagsabing susunod na lang sa kanyang ina sa isang surf resort. Marami naman ang natuwa na sa kanyang murang edad ay may malasakit ito sa kapaligiran.

Sa kanyang vlog ay pinakita ni Andi ang kanilang simpleng date sa pagdiriwang nila ni Philmar ng kanilang anniversary. Ito ay naganap sa kanilang pagpunta kamakailan sa Bali, Indonesia kasama ang kanilang tatlong anak na sina Ellie, Lilo at Koa. Sa isang bahagi ng video ay makikitang kumakain sila ng mais ni Philmar at nasabi ni Andi na ito umano ang kanilang "best anniversary date ever." Marami naman ang natuwa at lalong humanga sa pamilya ni Andi na masaya sa kahit simpleng mga bagay sa kanilang buhay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel