Romel Chika, nag-ikot sa mga sinehan at inalam ang nangungunang pelikula sa MMFF 2022
- Nag-ikot si Romel Chika sa mga sinehan sa Metro Manila para tingnan ang mga nangngunang pelikula ng Metro Manila Film Festival 2022
- Mula sinehan sa Las Piñas hanggang sa mga sinehan sa norte tulad ng Trinoma at SM North Edsa halos pareho ang nangunguna
- Napag-alaman din niyang hindi lahat ng sinehan ay ipinalalabas ang walong pelikula ng MMFF
- Napansin din niyang wala umanong sumagot sa mga natanong niyang moviegoers na manonood o nakapanood ng pelikula ni Toni Gonzaga ang My Teacher
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ginalugad ni Romel Chika at iba't ibang pelikula sa Metro Manila upang malaman kung anong Metro Manila Film Festival movie ang tinatangkilik ng mga kababayan natin.
Nalaman ng KAMI na isinagawa ni Romel ito bago pa man ang MMFF awards night noong December 28.
Mula sa sinehan sa Las Piñas hanggang sa mga sinehan sa norte tulad ng Trinoma at SM North, ang pelikulang Deleter ni Nadine Lustre at ang Partners in Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi ang talagang pinipilahan ng mga manonood.
May ilan na Family Matters naman ang napiling panoorin habang may isa namang manonood ng Mamasapano.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Subalit ang napansin ni Romel, wala umano sa mga natanong niya ang sumagot na My Teacher ni Toni Gonzaga ang panonoorin.
"Ayaw pakabog ng Deleter sa Partners in Crime... Pero kumusta 'to? Asan siya?" ani Romel.
Hindi rin lahat ng sinehan ay ipinalalabas ang walong entry sa MMFF. Habang ang ilan, dahil sa kakulangan sa sinehan, by schedule na lamang itong pinalalabas.
Ayon kay Romel, magsilbi lamang na gabay ang kanyang vlog kung ano na nga ba ang nangunguna sa takilya at maaring maibigan ding panoorin ng mga hindi pa nakakapanood ng MMFF movies sa taong 2022.
Narito ang kabuuan ng kanyang vlog mula sa YouTube channel niyang Romel Chika:
Si Romel Chika Villamor ay isang host at komedyante na ngayo'y madalas mapanood sa YouTube channel nila kasama si Cristy Fermin sa Showbiz Now Na!
Mayroon din siyang sariling YouTube channel at kamakailan nga'y nakapanayam niya ang prophetic witch na si Mamu. Doon, natanong niya ang mga kapalaran ng ilang celebrities maging ang kahihinatnan ng nilalabanang sakit ni Kris Aquino.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh