Ivana Alawi, na-call out umano ng fans ni Vice Ganda ayon sa source ni Ogie D

Ivana Alawi, na-call out umano ng fans ni Vice Ganda ayon sa source ni Ogie D

- Na-call out umano ng ilang mga fans ni Vice Ganda ang co-star nito sa pelikulang Partners in Crime na si Ivana Alawi

- Ito ay dahil sa napapansin daw ng mga ito na hindi kasing sigasig magpromote ni Vice Ganda si Ivana

- Katunayan tila dalawang beses lamang ito nag-promote kumpara kay Vice na makailang beses nang pumunta sa sinehan upang bisitahin ang mga moviegoers ng kanilang MMFF entry

- Maging sa social media ni Ivana ay tila isang beses lang nai-post ang kanilang pelikula ni Vice

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakarating umano sa Showbiz Update channel ni Ogie Diaz ang tungkol sa pag-call out ng ilang fans ni Vice Ganda sa co-star nitong si Ivana Alawi sa pelikulang 'Partners in Crime.'

Ivana Alawi, na-call out umano ng fans ni Vice Ganda ayon sa source ni Ogie D
Ivana Alawi and Vice Ganda (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na napansin umano ng fans ni Vice na hindi kasing sipag ng kanilang idolo kung mag-promote si Ivana gayung pareho naman umano silang bida sa naturang pelikula.

Read also

Ogie Diaz, todo puri ang MMFF movie na 'Family Matters'

"Kinol-out ng ilang fans ni Vice Ganda si Ivana Alawi dahil hindi raw nagpo-promote si Ivana sa kanyang mga socmed accounts," ani Ogie Diaz.

"Dalawang beses lamang umanong nag-promote si Ivana. Samantalang naikumpara nila itong si Vice Ganda kay Ivana e pareho lang naman silang bida dito ano," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mapapansing makailang beses na nagtungo sa iba't ibang sinehan si Vice para personal na pasalamatan ang mga moviegoers na tumangkilik sa kanilang pelikula na isa sa mga patok sa takilya sa mga entry ng Metro Manila Film Festival 2022.

"Yan ang hindi natin alam, Kung paano naman at kumusta ang schedule ni Ivana," ani Ogie.

Gayunpaman, sinabi rin ni Ogie na tila wala na dapat pang ipag-alala o punahin ang mga fans ni Vice lalo na at marami ang tumatangkilik sa kanilang pelikula.

Read also

Darryl Yap, inalmahan ang mga nagsasabi umanong flop ang 'My Teacher'

"'Wag na tayong ma-shock 'di ba? Gusto niyo ba bugbog sila sa kaka-promote pero flop 'yung movie. O sige, mamili nga kayo? Just look at the brighter side," paliwanag pa ni Ogie.

Narito ang kabuaan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15.9 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Bago pa man ang pelikula nila ni Vice Ganda na 'Partners in crime', minsan nang naging bisita ni Ivana si Vice sa kanyang YouTube channel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel