Ogie D, mula umano sa kampo ni Kathryn: "Nanliligaw na raw itong si Alden kay Kathryn"

Ogie D, mula umano sa kampo ni Kathryn: "Nanliligaw na raw itong si Alden kay Kathryn"

- Naibahagi ni Ogie Diaz ang nalaman niya umano sa isang source, mula sa kampo ni Kathryn Bernardo

- Matatandaang madalas present si Alden sa mga pasinaya ni Kathryn o para kay Kathryn

- Ayon pa sa kanyang source, boto raw ang pamilya ng aktres kay Alden

- Matunog na rin ang umano'y paghahanda ng "Hello Love Goodbye 2" na kukunan sa Canada

Sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, ibinahagi ni Ogie Diaz na nanliligaw na raw umano si Alden Richards kay Kathryn Bernardo.

Ogie D, mula umano sa kampo ni Kathryn: "Nanliligaw na raw itong si Alden kay Kathryn"
Kathryn Bernardo and Alden Richards (@bernardokath/ @niceprintphoto)
Source: Instagram

Ayon umano ito sa kanyang source na mula sa kampo ng aktres.

"Well, according to my source sa kampo ni Kathryn, nanliligaw na raw itong si Alden kay Kathryn. At makikita naman daw 'yan sa kanilang body language."
"What you see is what we get so that's what we got from a source na nanliligaw na nga itong si Alden kay Kathryn."

Read also

Gabby Eigenmann, handa daw ihatid si Andi Eigenmann sa altar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dagdag pa ni Ogie, gustong-gusto raw ng pamilya ni Kathryn si Alden para sa kanya.

"Syempre, lalo na kay Mommy Min. Si Alden ay isang negosyante. Si Alden ay financially stable, responsable... Dahil 'yung mga gusto raw nila sa isang lalake parang pino-possess ni Alden"
"Kasi nga yung isang kapatid ni Kathryn yung sister niya, hindi ko alam kung ito yung kumukuda lagi to defend Kathryn e parang gustong-gusto talaga si Alden."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

At noong Nobyembre 30 sa natapos na taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita noon bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Read also

Ogie Diaz, nabalitaan sa source na nanliligaw nga si Jericho kay Kathryn

Samantala madalas na makitang present si Alden Richards sa mga kaganapan sa buhay ni Kathryn kamakailan. Mula sa birthday celebration nito sa El Nido, at surpresang party ng ilang mga kaibigan hanggang sa housewarming nito kamakailan, kapansin-pansin ang madalas na pagsasama umano ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel