Christian Merck Grey, pina-trademark sa kanyang asawa ang pangalang "Makaganda"

Christian Merck Grey, pina-trademark sa kanyang asawa ang pangalang "Makaganda"

- Matapos ikasal sina Chrsitian Merck Grey at Pam Esguerra, idinaan na ni Merck sa legal ang pagbibigay ng pangalang Makaganda kay Pam

- Pinakita nito ang isang dokumento sa kanyang vlog na magpapatunay na si Pam na lang umano ang legal na may karapatang gamitin ang pangalang Makaganda

- Ibinahagi din ni Pam sa kanyang Facebook account ang link ng nasabing video kasabay ng kanyang babala para sa taong gumagamit pa rin umano ng pangalang Makaganda

- Sa kanyang Facebook account ay mayroon ding post si Caffey Namindang kung saan ginamit niya ang hashtag na #realMakaganda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang araw matapos ikasal ang vlogger na si Christian Merck Grey o mas kilala bilang si Makagwapo sa kanyang partner na si Pam Esguerra, isinapublliko nila ang tungkol sa pagpapa-trademark ni Merck ng pangalang Makaganda at tanging ang kanyang misis lamang daw ang legal na may karapatang gamitin ang pangalang iyon.

Christian Merck Grey, pina-trademark sa kanyang asawa ang pangalang "Makaganda"
Caffey Namindang (@heavenffey)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post, nagbigay naman ng babala si Pam sa mga taong patuloy pa rin ang pag gamit ng "Makaganda."

Pina-TRADEMARK NG ASAWA KO ANG MAKAGANDA! (Wala ng ibang pwedeng gumamit ng MAKAGANDA kundi ako lng.) Hindi ko na hahayaan na patuloy pa rin gamitin ang asawa ko para pagkakitaan. Kung sakaling patuloy pa rin itong gagamitin ng iba hindi po ako magdadalawang isip na kasuhan po kayo. Maraming Salamat po.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ang dating kasintahan ni Merck na si Caffey Namindang ay mayroon ding reaksiyon kaugnay dito. Sa kanyang Facebook account, ginamit niya ang hashtag na #realMakaganda. Si Caffey ang unang gumamit ng pangalang iyon noong sila pa ni Merck at maging hanggang sa magkahiwalay sila.

Si Caffey Namindang ay unang sumikat sa social media sa bansag na Makaganda, ang girlfriend ng vlogger na si Makagwapo o si Christian Merck Grey. Naging kontrobersiyal ang tambalang Makaganda at Makagwapo matapos humingi ng tulong si Makaganda kay Raffy Tulfo hinggil sa umano'y hindi ,magandang pakikitungo sa kanya ng kanyag boyfriend.

Naging isyu ang tungkol sa kita ng kanilang YouTube channel at ang umano'y panggagamit ni Merck sa kanya para sa content nila.

Matapos ang kanilang masalimuot na paghihiwalay nakahanap naman ng bagong pag-ibig si Merck sa katauhan ni Pam Esguerra.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel