Ava Mendez kapag nalalasing umano si Jak Roberto: "Nagiging touchy na siya"

Ava Mendez kapag nalalasing umano si Jak Roberto: "Nagiging touchy na siya"

- Naikwento ng Vivamax actress na si Ava Mendez ang tungkol kay Jak Roberto kapag nalalasing

- Aniya nagiging touchy ito na maging ang ibang tao na nasa paligid nila ay napapansin ito

- Nagiging agresibo na rin daw ito maging sa usherettes ng lugar kung saan sila naroon

- Siniguro naman daw ni Ava na maalalayan si Jak sa sitwasyon nito at sinabing naaalibadbaran umano siya sa ginagawa nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila naging pasabog ang interview ni Madam LQ sa Vivamax actress na si Ava Mendez.

Ava Mendez kapag nalalasing umano si Jak Roberto: "Nagiging touchy na siya"
Jak Roberto and Barbie Forteza (Jak Roberto)
Source: Facebook

Ito ay matapos na maikwento ni Ava ang tungkol umano kay Jak Roberto kapag ito ay lasing.

Ayon kay Ava, nagiging "touchy" umano si Jak at nagiging agresibo kapag tinatamaan na ng naiinom. Nakasama niya raw kasi ito kamakailan sa party ng isa nilang common friend.

Read also

Alex Gonzaga, nag-message noon kay Cong TV: "After 6 years nireplyan ako.. pass pa"

"Ano e, nagiging touchy na siya. Nu'ng tumagal na, 'dun na siya parang nagiging aggressive. Kumakausap na siya ng mga usherette 'dun na babae."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maging ang ibang tao na naroon umano ay napapansin na ang nagagawa na ito ni Jak.

"Papunta kami ng elevator, may ilang fan din na nakakita na may ginagawa si Jak sa'kin. 'Yung parang hug lang ng kaibigan, like behind lang kasi lasing talaga siya."
"Pumunta na kami sa taas, tuloy-tuloy pa rin ang inuman. 'Dun na siya nagiging touchy- touchy. Sinabi ko sa mga kapatid at driver ko na alalayan na lang si Jak kasi 'pag lasing ako, Ayoko ng lalapit, lapit sa akin. Kasi naalibadbaran ako."

Gayunpaman, nilinaw ni Ava na tila nabigyan ng na lamang ng malisya ng iba umanong nakakita ang mga nangyari. Kabilang na ang pagpunta umano ni Jak sa kwarto raw niya na ang totoo, kasama ni Ava ang kanyang mga kapatid gayundin ang driver nila. Samantala, si Jak naman ay kasama ang kanya ring driver sa kwarto naman nila.

Read also

Zeinab, Asawa na ang tawag kay Daddy Ray: "Dapat asawa daw, practice na raw"

Narito ang kabuuan ng panayam mula sa TikTok ni Madam LQ:

Si Jan Rommel Osuna Roberto o mas kilala bilang si Jak Roberto isang aktor at modelo sa bansa. Pareho sila ng kanyang kapatid na si Sanya Lopez na Kapuso Stars. Si Jak ang longtime boyfriend ng isa ring Kapuso actress na si Barbie Forteza.

Matatandaang, sa panayam ni Ogie Diaz kay David Licauco, nasabi ng Kapuso actor na sa kanyang palagay ay nauunawaan naman ni Jak ang love team 'FiLay' gayung isa rin umano itong artista. Lalo na nagbukas sa iba pang mga oportunidad ang naturang pagkakapareha. Gaya na lamang sa bagong music video ng Ben & Ben sa version nila ng 'The Way you look at me' kung saan sina Barbie at David ang naroon.

Samantala, kamakailan lang, umani ng kabi-kabilang papuri si Barbie. Isa na rito si Ivana Alawi kung saan nilarawan niya na 'nicest person' sa GMA ang naturang Maria Klara at Ibarra star. Ito ay sa dami na umano niyang dinanas na nagmaldita pa sa kanya sa panahong isa pa umano siyang Kapuso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel