Alex Gonzaga, nag-message noon kay Cong TV: "After 6 years nireplyan ako.. pass pa"

Alex Gonzaga, nag-message noon kay Cong TV: "After 6 years nireplyan ako.. pass pa"

- Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang screenshot ng kanyang mensahe sa YouTuber na si Cong TV

- Aniya, anim na taon na ang nakakalipas nang i-message niya si Cong TV para sana imbitahang mag-collab sila

- Ani Alex, matapos ang anim na taon ay nag-reply ito pero pass daw ang sagot niya

- Dagdag pa ni Alex, buti na lang daw at pareho sila Cong TV at asawa niyang si Mikee na takusa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Alex Gonzaga na noon pa ay gusto niya na makipag-collab kay Cong TV kaya nagmessage siya. Aniya. pagkatapos ng 6 na taon ay nag-reply ito pero pass pa ang kanyang naging sagot.

Alex Gonzaga, nag-message noon kay CongTV: "After 6 years nireplyan ako.. pass pa"
Alex Gonzaga, nag-message noon kay CongTV: "After 6 years nireplyan ako.. pass pa"
Source: Instagram

Sa screenshot na binahagi ni Alex ay makikita ang mensahe niya na nagtatanong kung pwede sila magcollab. Hunyo ng taong 2018 ang kanyang naging mensahe.

Read also

Zeinab, Asawa na ang tawag kay Daddy Ray: "Dapat asawa daw, practice na raw"

Makikita naman na nag-reply si Cong TV ngunit "pass" ang kanyang naging sagot.

Hirit pa ni Alex, buti na lang daw at pareho sila Cong TV at asawa niyang si Mikee na takusa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Walang kang kawala ngayon @thecongtv!! Yung unang VLOG ko palang nakikipagcollab nako tapos after 6 years nireplyan ako.. pass pa.. buti nalang pareho sila ni mikee takusa @viycortez

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Read also

Sharon Cuneta, inihayag ang pangungulila kay KC: "One seat is empty but place still set"

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel