Zeinab, Asawa na ang tawag kay Daddy Ray: "Dapat asawa daw, practice na raw"

Zeinab, Asawa na ang tawag kay Daddy Ray: "Dapat asawa daw, practice na raw"

- "Asawa" na ang nais na itawag ni Ray Parks Jr. sa kanya ng kanyang nobyang si Zeinab Harake

- Kwento ni Zeinab, nagagalit daw ang basketbolistasa tuwing boyfriend ang pakilala nito sa kanya

- Matatandaang sa naunang vlog ni Zeinab, nababanggit na nila ang kasal at ibang plano sa buhay

- Kahanga-hanga rin ang closeness ni Ray sa mga anak ni Zeinab na Daddy Ray na ang tawag sa kanya

Sa bagong vlog ni Zeinab Harake, "asawa ko" ang tawag nito kay Ray Parks Jr. habang sila ay naka-video call.

Zeinab, Asawa na ang tawag kay Daddy Ray: "Dapat asawa daw, practice na raw"
Ray Parks Jr and Zeinab Harake (@zeinabharake)
Source: Facebook

Naikwento ni Zeinab na nagagalit umano ang kanyang Daddy Ray kung boyfriend lang ang itinatawag niya rito.

"Nagagalit siya 'pag boyfriend. 'Yung halimbawa, 'boyfriend ko,' nagagalit siya... Dapat asawa daw. Practice na raw."

"Hi ka, asawa ko! Daddy, sinsabi ko sa'yo panindigan mo 'to," kantsaw pa ni Zeinab sa nobyo.

Read also

Zeinab, may 14 million YT subscribers na: "salamat sa unang buwan ng taon"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang minsan nang biniro ni Zeinab ang kanyang ama patungkol sa plano umano nilang pagpapakasal ni Ray. Sagot naman ng ama ni Zeinab, "too early" pa raw. Gayunpaman, napuri niya si Ray at nilarawan itong "smart, charismatic, know how to respect" na hindi lamang compliment subalit iyon daw ang totoo sa nobyo ng kanyang anak.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilala na matagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.9 million subscribers sa kanyang channel. Siya ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Lucas at Bia.

Matatandaang sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby ray Parks Jr. ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song.'

Read also

Cristy, nabalitaang maaring 'di matuloy ang pag-uwi ni Bimby para mag-artista

Isa sa malaking break ni Zeinab ngayong 2023 ay ang pagkakaroon niya ng pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival. Ito ay ang "Kampon" na pinagbibidahan ni Derek Ramsay at Beauty Gonzales.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel