Zeinab, may 14 million YT subscribers na: "salamat sa unang buwan ng taon"

Zeinab, may 14 million YT subscribers na: "salamat sa unang buwan ng taon"

- Masayang ibinahagi ni Zeinab Harake na umabot na sa 14 million ang kanyang YouTube subscribers

- Sa kanyang social media post, nagpasalamat si Zeinab sa panibagong milestone sa buhay niya bilang content creator

- Kasama rin niya sa naturang post ang mga anak na sina Lucas at Bia

- Isa si Zeinab Harake sa mga kilala at matagumpay na content creator sa bansa kung saan inspirasyon ang hatid sa mga naibabahaging vlog

Umabot na sa 14 million ang YouTube subscribers ni Zeinab Harake.

Zeinab, may 14 million YT subscribers na: "salamat sa unang buwan ng taon" (Zeinab Harake)
Zeinab, may 14 million YT subscribers na: "salamat sa unang buwan ng taon" (Zeinab Harake)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post, masayang nagpasalamat si Zeinab sa kanyang mga 'Zebbies'.

"01/2024 salamat sa unang buwan ng taon... Happy 14 Million Youtube Subscribers Zebbies"

Kasama rin niya sa mga larawan ang kanyang mga anak na sina Lucas at Bia na siyang madalas ding subaybayan ng kanyang mag subscribers.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Mommy Pinty, kinagiliwan nang tawagin nitong Rosmar si Viy Cortez

Samantala, marami naman ang natuwa sa bagong milestone na ito ni Zeinab. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Deserve na deserve nman talaga congrats idol Zeinab Harake. I'm happy for you"
"You deserve all the blessings Mommy Zeinab, mabuti ka kasing tao"
"Very good start for the year 2024. Conrats sa'yo Zeinab!'
"Parami nang parami ang mga nai-inspire sa'yo. Totoong tao ka kasi. Congrats Ms. Zeinab"
"Ang solid ng 14 million na Zebbies, congrats Zeinab. Deserve mo ang lahat ng blessings na ito dahil na rin sa sipag at kabutihan mo"

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilala at matagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang 14 million subscribers sa kanyang YouTube channel. Siya ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Lucas at Bia.

Matatandaang sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby ray Parks Jr. ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song.'

Read also

Maris Racal, sinagot ang sa napansin ng netizens sa picture niya: "Kamay ko yun"

Isa sa malaking break ni Zeinab noong 2023 ay ang pagkakaroon ng pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival. Ito ay ang "Kampon" na pinagbibidahan ni Derek Ramsay at Beauty Gonzales.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel