Ogie D sa umano'y post ng ama ni Liza Soberano: "Dapat wala nang mga ganyan daddy"

Ogie D sa umano'y post ng ama ni Liza Soberano: "Dapat wala nang mga ganyan daddy"

- Nagbigay reaksyon si Ogie Diaz sa umano'y post ng ama ni Liza Soberano

- Ito ay patungkol umano sa pagbati ng ABS-CBN kay Liza at hinihintay umano ng ama ni Liza ang reaksyon nina Ogie Diaz at Cristy Fermin

- Gayunpaman, binati rin ni Ogie ang dating alaga para sa Hollywood movie na kinabibilangan nito

- Aniya, naniniwala siyang maging si Liza ay ayaw na ng ganoong klaseng intriga pa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag na si Ogie Diaz sa umano'y post kamakailan ng ama ni Liza Soberano.

Ogie D sa umano'y post ng ama ni Liza Soberano: "Dapat wala nang mga ganyan daddy"
John and Liza Soberano (John C. Sober)
Source: Facebook

Patungkol umano ito sa pagbati ng ABS-CBN kay Liza para sa Hollywood film na kinabibilangan nito, ang Lisa Frankenstein.

Sa post ng ama ni Liza, tila hinihintay umano nito ang reaksyon nina Ogie Diaz maging si Cristy Fermin.

Read also

Ricci Rivero kay Bea Borres: "Sayang pakikialam mo kung di ka kasama sa headline"

"I can't wait ano ilalabas ng mga camp ng Cristy Fermin & Ogie D ngaun.." ang umano'y caption ng ama ni Liza sa shared post.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, binati na rin ni Ogie si Liza bilang dati rin naman niya itong naging alaga.

"Ano pong ilalabas namin? Edi congratulations din. Congratulations Liza sa iyong Liza Frankenstein. Next year palalabas na sa February."
"Ang akin lang we wish Liza Good luck sa kanyang Lisa Frankenstein. Dahil Diyos ko, sobrang pinangarap ni Liza ang Hollywood"
"Syempre, ako 'yung dating manager syempre di naman sakin ah, dapat tulungan ko pa rin 'yung bata. Hindi porke tapos na 'yung relasyon niyo, tapos na lahat. Una nagbabalita kami. Edi ibabalita namin at igu-good luck din namin si Liza."

Ayon pa kay Ogie, hindi na sana raw ito ginawa pang isyu ng ama ni Liza.

Read also

Hollywood friend ni Ogie D, sinabing wala na umano sa Careless si Liza Soberano

"'Di ko gets si Daddy dapat, dpat nga daddy hindi ka nag-iimbita ng mga pang-iintriga ng away. Dahil wala namang umaaway kay Liza. At wala rin namang umaaway sa'yo."
"Dapat positive lang sa buhay. 'Wag 'yung mga ganyan na meh mga hanash kang ganyan."

Aniya, naniniwala siyang ayaw din ni Liza ang mga ganoong klaseng post.

"Ngayon kung hindi naniniwala ang daddy ni Liza e nasa kanya na yun. Dapat wala nang mga ganyan daddy. 'To talaga si daddy."
"Kawawa naman 'yung bata. I'm sure si Liza hindi naman niya gusto yung ganyang post ni Daddy."
"Daddy, chillax lang okay? Dapat pagpray natin na maging successful 'yung movie. 'Yun lang."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Liza Soberano na ngayo'y tinatawag din bilang si Hope Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Read also

Andrea Brillantes, napuri ni Vicki Belo: "Good girl ito ngayon right?"

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Sa naturang episode din ng Ogie Diaz Showbiz Update, naibahagi ni Ogie ang balitang nakarating sa kanyang wala na umano sa pangangalaga ng Careless PH si Liza Soberano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel