Hollywood friend ni Ogie D, sinabing wala na umano sa Careless si Liza Soberano
- Naibahagi ni Ogie Diaz ang nakarating umano sa kanyang baltia na wala na si Liza Soberano sa Careless
- Ito ay ang management group na kinabibilangan ni James Reid na nangalaga sa career ni Liza matapos ang kontrata nito kay Ogie Diaz
- Ayon sa source, ang management na kinabibilangan ni Liza ay pawang mga Asian talents din ang hawak
- Gayunapaman, mayroon ding nakarating kay Ogie na sister company na umano ng Careless ang nangangalaga kay Liza
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update natalakay na wala na umano si Liza Soberano sa pangangalaga ng Careless, ang management kung saan isa si James Reid na tumatayong manager nito.
Ayon umano sa Hollywood friend ni Ogie, Authentic Talent Literary Management na ang siyang namamahala ngayon sa career ni Liza.
"Meron akong friend from Hollywood. Na sinabi sa akin na yung kanyang source ay nagsabi sa kanya na si Liza raw ay naka-sign na sa Authentic Literary Management managed by Kyle Pak who manages simu Liu and mostly asian actors daw."
"Ito raw Authentic Talent Literary Management ang nagrerepresent kay Liza sa Holywood. Kung totoo 'to ha. 'Di naman namin ito kino-confirm. Ito lang din yung nakarating sa aking friend from Hollywood."
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Mayroon ding nakarating umano kay Ogie na sister company ng Careless ang siyang management ni Liza ngayon.
"Meron namang nagsabi sa akin na meron another management name ang Careless. Sister company daw ata ng Careless, nandun daw si Liza."
Gayunpaman, sinabi ni Ogie D na tanging si Liza lamang ang makapagkukumpirma sa kung sino na ba talaga ang nangangalaga sa career nito sa ngayon.
Si Liza Soberano na ngayo'y tinatawag din bilang si Hope Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.
Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.
Kamakailan, muling gumawa ng ingay si Liza online dahil sa tawag sa kanya ni Dra. Vicki Belo nang maging panauhin siya nito sa kanyang vlog. Sa halip na Liza, "Hope" ang tawag nito sa kanya. Inakala tuloy umano ng marami na tuluyan nang 'Hope' ang ginagamit na pangalan ng aktres.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh