Jelai Andres, naimbyerna sa nagsabing nagalit siya na masabihang "sabaw"

Jelai Andres, naimbyerna sa nagsabing nagalit siya na masabihang "sabaw"

- Hindi nakapagtimpi si Jelai Andres sa isang netizen na nagsabing nagalit umano siya na masabihang sabaw gayong totoo naman daw iyon

- Ani Jelai, hindi naman siya nagalit at wala umano siyang inaaway na kahit sino sa kabila ng paglabas ng isyung kinasasangkutan ng kaibigang si Zeinab harake

- Nilinaw niya din na wala siyang galit sa magkabilang panig sa kabila ng pagkakadawit ng kanyang pangalan

- Matatandaang sa nilabas na video ni Wilbert Tolentino ay pinakita niya ang sinabi ni Zeinab na si Jelai umano ang pinakasabaw sa kanilang magkakaibigan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bumwelta si Jelai Andres sa isang netizen na tinalakan siya dahil nagalit umano siya nang sabihang sabaw. Nilinaw ni Jelai na wala siyang galit sa magkabilang kampo at wala din umano siyang inaaway sa kanila.

Jelai Andres, naimbyerna sa nagsabing nagalit siya na masabihang "sabaw"
Jelai Andres, naimbyerna sa nagsabing nagalit siya na masabihang "sabaw" (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

Inalmahan din ni Jelai na binanggit ng naturang netizen na hindi umano maka-relate si Jelai sa Post partum dahil hindi umano siya nanganak.

Read also

RR Enriquez, nag-real talk sa isyu nina Zeinab at Wilbert; "Naggamitan lang kayo"

Wala akong galit both sides. Bat tinatalakan mo ko dyan? Dinamay pa neto yung di ako maka relate kasi wala akong anak. Aba ate naman dami kong anak 100 na aso 40 na pusa normal ko lahat inire yon!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang sa nilabas na video ni Wilbert Tolentino ay pinakita niya ang sinabi ni Zeinab na si Jelai umano ang pinakasabaw sa kanilang magkakaibigan.

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Read also

Toni Fowler, sinabing napatawad na niya si Zeinab Harake

Isa sa naging highlight ng isang vlog episode ni Jelai ay ang No Reaction Challenge nila ni Buboy Villar. Magpapagalingan sila sa pagpigil sa kanilang sarili na sumigaw o magpakita ng reaksiyon sa kanilang pagsakay sa mga extreme rides sa isang amusement park. Habang sumasakay sila sa isang drop tower ride, hinimatay si Jelai at nakuhanan ito ng video ni Buboy. Agad naman siyang nahimasmasan nang matapos ang oras nila sa naturang ride.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel