Toni Fowler, pinagtanggol sina Jamie Bautista at Anthony Leodones

Toni Fowler, pinagtanggol sina Jamie Bautista at Anthony Leodones

- Pinagtanggol ni Toni Fowler ang bestfriend niyang si Anthony Leodones at ang asawa nitong si Jamie Bautista

- Ito ay matapos mag-viral ang post ni Anthony na "Inorder mo vs dumating sa'kin" kung saan makikita ang picture ng isang babae at ang picture ng kanyang misis na si Jamie

- Sa post ni Jamie ay inalmahan niya ang post ng influencer na si Andrea Angeles na tinawag si Anthony na cheater at body shamer

- Katwiran naman ni Toni, hindi naman siya ang niloko ni Anthony kaya wala itong karapatan na murahin ang kaibigan niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa post ni Toni Fowler, pinagtanggol niya ang kaibigang si Anthony Leodones at misis nitong si Jamie Bautista. Matatandaang inalmahan ni Jamie ang post ng influencer na si Andrea Angeles na tinawag si Anthony na cheater at body shamer.

Read also

Jamie Bautista, pinagtanggol ang mister na si Anthony Leodones

Toni Fowler, pinagtanggol sina Jamie Bautista at Anthony Leodones
Toni Fowler, pinagtanggol sina Jamie Bautista at Anthony Leodones (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Ani Toni, wala itong karapatan na murahin si Anthony dahil hindi naman siya ang niloko.

Wala kang karapatan mag muraa sa tao dahil hindi naman ikaw yung nilokooo KUNG AYAW MO YUNG CONTENT WAG MO PANOORIN WAG MO IFOLLOW pakasimple.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inalamahan ni Jamie ang pagmumura sa kanyang asawa dahil silang mag-asawa umano ay naka move on na.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Ogie Diaz, sa tsismis na bagsak sales ang Shopee; "Puro ang turo ng daliri kay Toni Gonzaga"

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel