Ogie Diaz, sa tsismis na bagsak sales ang Shopee; "Puro ang turo ng daliri kay Toni Gonzaga"

Ogie Diaz, sa tsismis na bagsak sales ang Shopee; "Puro ang turo ng daliri kay Toni Gonzaga"

- Natalakay nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ang umano'y bagsak sales ng Shopee

- Marami umano sa mga Shopee sellers ang umalma sa tumal ng bentahan noong 10.10 sale

- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang pahayag ng marami na malaki ang naging epekto ng pagiging brand ambassador ni Toni Gonzaga sa Shopee

- Gayunpaman, depensa ni Ogie, hindi naman kasalanan ni Toni na siya ang kinuhang endorser

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update ay ang pagbagsak umano ng sales ng Shopee sa kanilang 10.10 sale.

Ogie Diaz, sa umano'y bagsak sales ng Shopee; Puro ang turo ng daliri kay Toni Gonzaga
Toni Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na maraming umalmang Shopee sellers sa tumal ng kanilang bentahan kamakailan.

"Humina daw yung Shopee. Andami daw mga sellers na nagra-rant ngayon. Four years na raw silang nasa Shopee pero ngayon lang nila na-experience ang ganitong klase ng bentahan lalo n'ong 10.10 sale," ani Mama Loi.

Read also

Kris Aquino, pumalo na sa 90 pounds ang timbang ayon sa source ni Ogie Diaz

Inasasahan kasi ng marami na sa tuwing papatak ang monthly sale ng mga online shops at malalakas ang kanilang bentahan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

At ang itinuturo umanong dahilan nito ay ang brand ambassador na si Toni Gonzaga.

"Actually Loi 'noh, nakaapekto ng malaki 'yung pag-e-endorse ni Toni... Prangkahan na ito. Sa lahat ng nababasa natin, sa dami ng nababasa natin, puro ang turo ng dalari ay kay Toni," pahayag ni Ogie.

Dinepensahan pa rin naman nito si Toni at sinabing hindi naman kasalanan ng Ultimate Multimedia Star na siya ang napiling ambassador ng nasabing online shopping app.

"Samantalang si Toni Gonzaga, wala namang kasalanan diyan. Kung siya ay kinuha ng Shopee, kinuhang endorser. Kung i-aanalyze mo, 'yung mga tao ngayon, yung mga online shoppers, sensitive na sila medyo conscious na sila sa kung sinoman ang nag-e-endorse ng platform na kanilang tatangkilikin," paliwanag ni Ogie.

Read also

Cristy Fermin, todo puri kay John Lloyd Cruz; "Ang gwapo-gwapo niya ngayon!"

Narito ang ang kabuuan ng kanilang talakayan sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Ogie Diaz o 'Roger Diaz Pandaan' sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at kilalang showbiz reporter.

Pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang mga YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates".

Tulad na lamang kamakailan kung saan binigyang komento niya ang naging production number ni Toni Gonzaga sa isang episode nito sa ALLTV dahil sa umano'y audio nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel