Jamie Bautista, pinagtanggol ang mister na si Anthony Leodones

Jamie Bautista, pinagtanggol ang mister na si Anthony Leodones

- Inalmahan ni Jamie Bautista ang post ng influencer na si Andrea Angeles na nag-viral

- Kaugnay ito sa post ni Andrea kung saan tinawag niyang cheater ang asawa ni Jamie na si Anthony Leodones

- Sinagot din niya ang alegasyong body shamer si Anthony dahil sa post nito na expectation vs reality kung saan makikita ang picture ng isang mas payat na babae at ang picture ng asawa niyang si Jamie

- Nilinaw ni Jamie na ang tinutukoy nila sa post na iyon ay ang pagiging relax ng babae sa unang picture at nang ma-experience umano nila ang pagka-kayak ay nakakakaba pala

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkasagutan sina Jamie Bautista at ang nifluencer na si Andrea Angeles matapos umalma ni Jamie sa sinabi ni Andrea tungkol sa asawa ni Jamie na si Anthony Leodones. Pinagtanggol ni Jamie si Anthony kaugnay sa sinabi ni Andrea na cheater umano ito at body shamer.

Jamie Bautista, pinagtanggol ang mister na si Anthony Leodones
Jamie Bautista, pinagtanggol ang mister na si Anthony Leodones (@www.facebook.com/ITSMEJAMIE.B)
Source: Facebook

Nag-ugat ito nang i-post ni Andrea ang post ni Anthony na "inorder ko vs dumating sa'kin." Tinawag ni Andrea na cheater si Anthony at umalma din ito na umano'y ginagawang katatawanan ni Anthony ang pangangatawan ng asawa.

Nilinaw ni Jamie na ang tinutukoy nila sa post na iyon ay ang pagiging relax ng babae sa unang picture at nang ma-experience umano nila ang pagka-kayak ay nakakakaba pala.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sina Anthony Leodones at Jamie Bautista ay kabilang sa mga content creator na mayroong maraming followers at subscribers sa social media. Kinaaliwan sila sa kanilang mga spoof sa mga viral na mga videos sa social media. Si Anthony ay isa sa malalapit na kaibigan ng vlogger na si Toni Fowler.

Matatandaang binahagi nina Anthony at Jamie ang ilan sa mga pinagdaanan nila sa isa sa kanilang vlog. Naikwento ni Anthony ang tungkol sa pag-amin niya ng kanyang kasalanan na kanyang nagawa noong 2017 pa. Taong 2021 lamang niya umano inamin ang kanyang pagkakamali ngunit gusto niya umamin sa mga taong mahalaga kay Jamie. Naging emosyonal ito dahil sa kabila umano ng kanyang pag-amin ng pagkakamali niya ay pinili ni Jamie na huwag siyang masira sa mga tao.

Inihayag naman ni Toni ang kanyang kasiyahan na makitang magkasundo ang kanyang bestfriend na si Anthony at ang boyfriend niyang si Vince Flores. Aniya, dati ay palaging naging problema sa kanya dahil hindi magkasundo ang kanyang karelasyon at kaibigan. Hanggang sa dumating umano sa kanya ang tamang tao na may purong pagmamahal at malinis ang intensiyon sa kanya. Sa unang pagkakataon ay masaya umano siyang hindi na niya kailangang mamili sa kaibigan at karelasyon dahil magkasundo sila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel