CEO na si Miss Glenda, pormal na nagsampa ng reklamo laban sa aniya'y naninira sa kanya

CEO na si Miss Glenda, pormal na nagsampa ng reklamo laban sa aniya'y naninira sa kanya

- Nagsampa na ng reklamo si Glenda Victorio, ang CEO ng Brilliant Skin Essentials, Inc.

- Kaugnay ito sa paninira sa kanya at sa umano'y pandadawit sa kanyang pamilya

- Binahagi ng CEO ang ilang pictures kasama ang kanyang legal team na kinabibilangan nina Atty. Garreth Tungol, Atty. Joren, Atty. Daniel, Atty. Gab at Atty. Sarah

- Ayon sa kanya, naapektuhan maging ang kalusugan niya dahil sa paninirang ginawa sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inireklamo ni Glenda Victorio, ang CEO ng Brilliant Skin Essentials, Inc. ang umano'y naninira sa kanya at nadamay pa ang kanyang pamilya. Ayon sa kanya, naapektuhan maging ang kalusugan niya dahil sa paninirang ginawa sa kanya.

CEO na si Miss Glenda, pormal na nagsampa ng reklamo laban sa mga paninira
CEO na si Miss Glenda, pormal na nagsampa ng reklamo laban sa mga paninira (@iammissglenda)
Source: Instagram

Binahaging CEO ang ilang pictures kasama ang kanyang legal team na kinabibilangan nina Atty. Garreth Tungol, Atty. Joren, Atty. Daniel, Atty. Gab at Atty. Sarah.

Read also

Toni Gonzaga, emosyonal nang makita ang bago niyang studio; "sabi ko 'di ako iiyak e"

Matatandaang kamakailan ay sinugod sa ospital si Miss Glenda sa kasagsagan ng umano'y paninira sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Glenda Victorio ay CEO ng skin care company na Brilliant Skin Essentials, Inc. Bukod sa pagiging CEO ay gumagawa din siya ng videos at YouTube content. Isa siya sa mga skin care product CEO na may maraming followers sa social media.

Matatandaang si Andrea Brillantes ang nakasama ng ni Miss Glenda sa kanyang binahaging video sa YouTube. Dito ay binalikan niya kung paano sila unang nagkakilala ni Andrea na siyang unang endorser ng kanyang mga produkto. Sa kabila ng mga negatibong komento ng mga bashers laban kay Andrea, naniniwala umano si Miss Glenda na hindi daw dapat kinakalimutan yung mga taong nagtiwala at nanjan nung walang-wala pa siya. Aniya, kahit noong nagsisimula pa lang ang kanyang negosyo ay hindi nag-atubili si Andrea na tanggapin ang alok na maging endorser ng kanyang produkto kahit sikat ang aktres dahil ito ay naganap noong sikat na sikat ang "Kadenang Ginto."

Read also

Kris Aquino, tapos na ang proseso ng gamutan ayon sa source ni Cristy Fermin

Si Jillian Ward naman ang napiling bagong mukha para sa bagong produkto ni Miss Glenda. Sa kanyang social media post ay masaya niyang binahagi ang picture ng packaging ng bagong produkto. Nagpasalamat naman ang dalaga kay Miss Glenda sa pamamagitan ng kanyang pag-post sa Instagram story. Naging endorser na rin si Jillian ng naturang produkto ngunit ngayon lamang pormal na naging "Face of #PerfectlyBrilliant" matapos mailagay ang kanyang picture.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel