Maegan Aguilar, negative umano sa drug test; isiniwalat ang dahilan ng pagpapa-test

Maegan Aguilar, negative umano sa drug test; isiniwalat ang dahilan ng pagpapa-test

- Sa isang online talk show, naisiwalat ni Maegan Aguilar ang resulta ng isinagawa sa kanyang drug test

- Proud siyang sabihin na negative umano ito taliwas sa inaakala ng marami na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot

- Isiniwalat din niya ang rason bakit din siya pumayag na sumailalim sa nasabing test

- Naikwento rin niya ang estado ng relasyon ng kanyang ama na si Freddie Aguilar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit na ni Maegan Aguilar ang resulta ng umano'y isinagawang drug test sa kanya sa tulong ng programang Raffy Tulfo in Action.

Maegan Aguilar, negative umano sa drug test; isiniwalat ang dahilan ng pagpapa-test
Maegan Aguilar (Marites University)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na negative umano ang resulta nito ani Maegan taliwas sa inaakala ng marami na gumagamit siya.

Naikwento rin niya ang rason kung bakit siya nakumbinsing sumailalim sa nasabing test.

Read also

Maegan Aguilar, hiling na sana'y ampon lang siya: "My father doesn't protect me"

"Nagpa-dugtest ako hindi dahil doon sa sinasabihan akong adik kundi nag-promise 'yung tatay ko sa tita ko na pinsan niya na naging ka-close ko. Nag-promise siya na 'pag si Maegan nag-drug test sabihin mo sa kanya magiging okay na ang lahat. Tutulungan ko siya sa pagpapagamot, blah blah blah," paglilinaw ni Maegan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit ngayon na 'negative' umano ang naging resulta, wala umano siyang nakukuha pa ring mensahe mula sa ama ukol umano sa sinabi niyang ito sa kanyang tita.

"Pero 'nung nag-negative, wala namang nangyari... Sorry, tay. Sorry talaga tay. Ang hirap. 'Yung hospital bill opo, nagti-thank you ako sa inyo," subalit nilinaw ni Maegan na initial payment lang umano ang nabayaran ng amang si Freddie Aguilar at ang natitirang halaga ay na-settle na umano sa tulong ni Senator Raffy Tulfo.

Read also

Maegan Aguilar, nagpositibo sa drug test: "It was just a situation"

Narito ang kabuuan ng interview kay Maegan mula sa Marites University YouTube channel:

Isang buwan na umano ang nakararaan nang dumulog si Maegan Aguilar sa programa ni Raffy Tulfo.

Sinubukan din ng programa na makapanayam ang kilalang folk singer at isa sa haligi ng OPM sa bansa na si Freddie Aguilar upang malaman ang magiging pahayag nito tungkol sa kanyang anak subalit hindi na nila ito nakausap habang nasa ere ang programa.

Gayunpaman, sa panayam ni Aster Amoyo kay Freddie, nabanggit nitong bagama't nagkakausap na sila ni Maegan, hindi pa rin ito maaring magtungo sa kanyang tahanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel