Derek Ramsay, nagsalita sa gitna ng isyu sa umano’y pekeng plaka

Derek Ramsay, nagsalita sa gitna ng isyu sa umano’y pekeng plaka

  • Nagsalita si Derek Ramsay matapos iugnay sa umano’y paggamit ng pekeng plaka sa kanyang Porsche 918 Spyder, na iniimbestigahan ngayon ng Land Transportation Office
  • Ayon sa LTO, hindi nagtugma ang alphanumeric combination ng plakang nakalagay sa sasakyan sa orihinal na plate number na nakatalaga rito
  • Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Ramsay na wala siyang minamanehong sasakyan na may pekeng plaka at iginiit na maayos ang mga plaka ng kaniyang mga sasakyan
  • Sinabi rin ng aktor na hindi pa niya natatanggap ang show-cause order ngunit makikipagtulungan siya sa LTO at haharap kapag kinakailangan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagsalita na si Derek Ramsay matapos masangkot ang pangalan niya sa imbestigasyon ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng umano’y paggamit ng pekeng plaka sa isang Porsche 918 Spyder.

Derek Ramsay, nagsalita sa gitna ng isyu sa umano’y pekeng plaka
Derek Ramsay, nagsalita sa gitna ng isyu sa umano’y pekeng plaka (📷@ramsayderek07/IG)
Source: Instagram

Naglabas ng show-cause order ang LTO kaugnay ng insidente matapos matukoy umano ng ahensiya na hindi tugma ang alphanumeric combination na ipinapakita sa plaka ng sasakyan sa orihinal na motor vehicle license plate na nakatalaga rito. Kinumpirma rin ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao sa isang news outlet na si Ramsay ang aktor na tinutukoy sa isyu.

Read also

Senior citizen, pumanaw sa araw ng kaarawan matapos mabangga sa kalsada

Bukod sa registered owner, inatasan ding humarap sa Intelligence and Investigation Division ang designated driver ng sasakyan upang magsumite ng verified o sworn explanation tungkol sa umano’y paglabag sa paggamit ng number plates. Hinihingi rin ng LTO ang paliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang kanilang mga lisensya kaugnay ng naturang usapin.

Derek Ramsay, nagsalita sa gitna ng isyu sa umano’y pekeng plaka
Derek Ramsay, nagsalita sa gitna ng isyu sa umano’y pekeng plaka (📷@ramsayderek07/IG story)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, inilagay umano sa alarm status ang Porsche at inatasan ang Law Enforcement Service ng LTO na i-impound ang sasakyan habang nagpapatuloy ang proseso ng ahensiya.

Sa gitna ng isyu, nagbahagi si Ramsay ng pahayag sa kaniyang Instagram Story kung saan sinabi niyang nakita niya ang usapin tungkol sa kaniyang 918 Spyder.

“I’ve seen the issue regarding the 918 spyder on social media. I do not drive any cars with fake plates. All my vehicles have proper plates. Pls carefully read the statement issued by Ito to properly understand what is happening. I have not yet recieved any show cause order but i will cooperate and appear when requested. To the LTO i apologize for what is going on. Driving with fake plates is wrong and should not be tolerated.”

Nilinaw ng aktor na hindi pa umano niya natatanggap ang show-cause order sa oras ng kaniyang pahayag. Gayunman, sinabi niyang handa siyang makipagtulungan at humarap sa LTO kapag hiniling sa kaniya.

Read also

Vice Ganda, nilinaw ang dahilan ng ilang araw na pagkawala sa “It’s Showtime”

Nauna nang sinabi ni Lacanilao na walang espesyal na pagtrato sa pagpapatupad ng mga patakaran ng ahensiya. Sa pahayag na inilathala ng KAMI, iginiit ng opisyal na hindi dapat maging dahilan ang pangalan, katayuan ng isang tao o halaga ng sasakyan upang hindi ipatupad ang mga regulasyon.

“There are no VIPs when it comes to law enforcement. Regardless of who is involved, anyone proven to have committed a violation will face the corresponding consequences,” ani Lacanilao.

Dagdag pa niya, “There is no favoritism, no excuses and no exemptions. The LTO does not tolerate the use of fake license plates or the evasion of mandatory obligations.”

Mahalagang tandaan na nananatiling alegasyon ang naturang paglabag habang hinihintay ng LTO ang paliwanag nina Ramsay at ng designated driver. Patuloy ang proseso ng ahensiya bago matukoy kung may pananagutan sa ilalim ng mga umiiral na regulasyon.

Si Derek Ramsay ay isang aktor, atleta at businessman na matagal nang bahagi ng Philippine entertainment industry. Bukod sa kaniyang showbiz career, kilala rin siya sa kaniyang interes sa sports at mga negosyo. Sa mga nakaraang buwan, naging sentro rin siya ng iba't ibang entertainment reports, kabilang ang kaniyang personal na buhay at pagbabalik sa showbiz.

Read also

Lalaki nasawi matapos makuryente sa baha sa Lipa City, Batangas

Bago ang kasalukuyang usapin sa LTO, naging tampok din sa mga ulat tungkol kay Ramsay ang kaniyang mga pahayag tungkol sa pagiging ama at sa kaniyang co-parenting arrangement. Sa isang panayam na iniulat noong Pebrero, sinabi niyang pinipili niyang umiwas sa online “noise” at magpokus sa kaniyang anak.

Derek Ramsay, nagbahagi tungkol sa co-parenting setup nila ni Ellen Adarna sa isang bagong interview — Noong Pebrero 25, 2026, ibinahagi ni Ramsay ang kaniyang pananaw tungkol sa kasalukuyang co-parenting arrangement nila ni Ellen Adarna. Sinabi niyang hindi man perpekto ang kanilang setup, patuloy siyang nagsisikap na maging present sa buhay ng kanilang anak at pinahalagahan niya ang oras na naibibigay sa kaniya para makasama ito.

Derek Ramsay, sumagot na sa mga bali-balitang isa na siyang bilyonaryo — Noong Pebrero 19, 2026, naging usap-usapan naman ang pahayag ni Ramsay tungkol sa mga komento sa kaniyang lifestyle at sinasabing yaman. Ipinaliwanag niya na bunga ito ng ilang dekadang pagtatrabaho at maingat na pag-iipon, habang binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon at pagmamahal sa pagpapalaki ng kaniyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: