Heart Evangelista, ibinunyag na pinamigay sa charity ang singsing ng ex
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
- Ibinunyag ng aktres at host na si Heart Evangelista na ipinamigay niya sa charity ang isang heart-shaped diamond ring na ibinigay sa kaniya ng kaniyang dating kasintahan matapos ang kanilang breakup
- Ibinahagi ito ni Heart habang sumasagot sa isang tanong tungkol sa relasyon sa kaniyang game show na The People Have Spoken kung saan inamin din niyang ibinenta niya ang isang necklace mula sa parehong ex-boyfriend
- Hindi pinangalanan ng aktres ang nasabing dating kasintahan ngunit una na rin siyang nagbahagi sa isang panayam tungkol sa kaniyang mga naging karanasan sa pag-ibig bago ang kaniyang kasal
- Kasal ngayon si Heart sa Senador na si Francis Chiz Escudero kung saan nag-renew sila ng kanilang mga wedding vow sa Balesin Island noong 2024 matapos ang unang kasal noong 2015
Ibinunyag ng aktres at host na si Heart Evangelista na ipinamigay niya sa charity ang isang heart-shaped diamond ring na ibinigay sa kaniya ng kaniyang dating kasintahan. Naganap ang pag-amin habang sumasagot siya sa isang tanong hinggil sa relasyon sa kaniyang GMA game show na The People Have Spoken tungkol sa kung ano ang gagawin sa mga regalo ng ex-boyfriend na nagtaksil.

Source: Instagram
Ayon kay Heart, bagamat personal ang paksa ay napagdesisyunan niyang ibahagi ito sa publiko. “Masyadong personal pero ibibigay ko, show naman natin 'to,” pahayag ng aktres. “Merong nag-propose sa akin dati. Hindi naman siya official na [proposal] pero binigyan niya ako ng heart na diamond. Tatlong diamond na [pinagsama-sama para sa] illusion na heart.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagdulot ng matinding dalamhati ang pagtatapos ng kanilang relasyon kaya pinili niyang ipamigay na lamang ang mamahaling alahas. “Sobrang heartbroken ko, pinamigay ko siya sa charity,” dagdag pa niya. Ibinahagi rin niya na may iba siyang ginawa sa isa pang alahas mula sa parehong dating kasintahan at sinabing, “'Yung isang necklace na binigay niya sa akin, binenta ko. Charot.”
Hindi pinangalanan ni Heart kung sino ang dating kasintahan na kaniyang tinutukoy. Sa kaniyang nakaraan, kilalang nakarelasyon niya ang ilang mga kilalang personalidad katulad nina John Prats na tinukoy niyang kaniyang unang pag-ibig, Jericho Rosales, at Daniel Matsunaga.
Noong nakaraang Hunyo, sa isang panayam kay Boy Abunda, naiswalat din ng aktres na pakiramdam niya ay naging “sugar mommy” siya sa isa niyang dating relasyon dahil sa kaniyang pagiging labis na mapagbigay at generous kapag nagmamahal.
Ikinasal si Heart kay Senator Francis "Chiz" Escudero noong taong 2015. Noong 2024, muling nagpalitan ng vows ang dalawa sa Balesin Island kung saan ginanap din ang kaniyang unang kasal. Sa kaniyang mensahe sa kasal, ipinarating ni Heart ang malaking halaga ng kaniyang kabiyak sa kaniyang buhay. Pahayag ng aktres, “Getting married again the second time around — we’re even now — it seems like it’s actually my first, and I do truly believe it’s actually my first time because I knew what love was before, but now I know what love should be.”
Nagsalita rin si Senator Chiz tungkol sa mga pagsubok na kabilang sa kanilang pagsasama. Saad ng senador, “We’ve been through a lot of highs, a lot of lows, maraming masaya, minsan may malungkot. There was a time where I wished and prayed to God, hiniling ko na sana ‘yung bukas ko, maging ngayon na lang, ‘yung ngayon ko, maging nakaraan na agad. Sa araw na ‘to, binigay at isinakatuparan ng Diyos ‘yun.” Nagtapos ang kaniyang mensahe sa pangakong patuloy na mamahalin ang kaniyang asawa habang lumilipas ang panahon.
Bukod sa kaniyang mga kwento tungkol sa buhay-pag-ibig, madalas ding maging paksa ng mga balita ang mga naging pahayag ni Heart Evangelista sa iba't ibang panayam. Kamakailan ay naglabas ng paglilinaw ang aktres kaugnay ng kaniyang naunang pahayag hinggil sa usaping pera at pakikipagkaibigan.
Nagpaabot din ng kaniyang reaksyon ang veteran TV host na si Boy Abunda kaugnay ng naging paglilinaw ng aktres sa kaniyang kontrobersyal na pahayag.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


