Maegan Aguilar, aminadong allowance muna ang natatanggap nilang magkakapatid

Maegan Aguilar, aminadong allowance muna ang natatanggap nilang magkakapatid

  • Ibinahagi ng singer-actress na si Maegan Aguilar ang bagong sistema sa pamamahala ng pamanang naiwan ng kanyang pumanaw na amang si Freddie Aguilar matapos siyang makalabas sa rehabilitation center
  • Inamin ni Maegan na nagkasundo silang magkakapatid na ang kanilang ina at ang napiling executor ang hahawak ng pananalapi habang tumatanggap na lamang sila ng kanilang allowance ngayon
  • Plano na rin ng pamilya na ibenta ang bahay at lupa ng pumanaw na OPM icon sa Pampanga upang maipamahagi nang patas at pantay sa lahat ng magkakapatid ang magiging benta nito
  • Nagbigay rin ng maikling pahayag si Maegan ukol sa kanyang matalik na ugnayan sa tatlong kapatid na babae ng kanyang ama na siyang nagpalaki sa kanya noong siya ay bata pa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa kanyang kamakailang pagharap sa media matapos ang guesting sa programang Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, Hulyo 24, 2026, naging bukas ang singer at aktres na si Maegan Aguilar sa pagtalakay sa usapin ng pamana sa kanilang pamilya.

Read also

Jon Gutierrez, nais gawing santo o Nora Aunor ang tattoo sa kanyang braso

Maegan Aguilar, aminadong allowance muna ang natatanggap nilang magkakapatid
Maegan Aguilar, aminadong allowance muna ang natatanggap nilang magkakapatid (đź“·GMA Network/YouTube)
Source: Youtube

Si Maegan ay anak ng pumanaw na legendary OPM icon na si Freddie Aguilar. Malaking bagay para sa kanya na inantay muna ng pamilya ang kanyang paglabas mula sa rehabilitation center bago tuluyang ayusin ang mga usapin ukol sa pamanang ari-arian.

“Hmmm, nung una kasi, siyempre, nasa loob ako pero to fast forward lang, they also waited for me to be out,” ang kwento ni Maegan sa kanyang panayam noong Linggo, Hulyo 27.

Inamin din niya nang buong katapatan na wala sa kanilang magkakapatid ang may sapat na kaalaman sa tamang paghawak ng malaking halaga ng salapi. Kaya naman, bukal sa loob niyang tinanggap ang kasalukuyang sistema kung saan ang kanilang ina at ang napiling executor ang namamahala sa pananalapi habang binibigyan sila ng regular na allowance.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“And then now, kaming magkakapatid, we receive an allowance kasi nga none of us, totoo naman, none of us know how to handle money. So I finally admit to that, and I agree that my mom and our executor will be the ones to handle it. I’m okay with that,” paliwanag pa ng singer.

Read also

Maegan Aguilar, inalala ang panahong naging palaboy matapos rehab relapse

Bukod sa regular na allowance, may inaayos na rin silang malaking hakbang kaugnay sa iba pang pamanang ari-arian ng pamilya. “And right now, we’re looking for a buyer for Tatay’s house and lupa in Pampanga, so if anyone is interested, and then we’re gonna divide it equally sa amin,” pagbabahagi pa niya habang ipinapahayag din ang matinding kagustuhan na muling makabalik sa entertainment industry bilang aktres at mang-aawit.

Naitanong din kay Maegan ang kalagayan ng kanyang Tita Marlene Aguilar-Pollard, ang nakababatang kapatid ng kanyang ama. Matatandaang naging kontrobersiyal si Marlene noong 2009 kaugnay ng kaso ng kanyang anak na si Jason Ivler na hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong, at ng pormal na kasong obstruction of justice na isinampa laban sa kanya noon.

Ayon kay Maegan, nananatili lamang sa Pilipinas ang kanyang Tita Marlene kasama ang British husband nitong si Stephen Pollard. Bagamat malakas at lively ang personalidad nito sa mga lumang panayam sa telebisyon, hindi na umano ito kasing-liksi gaya ng dati pagdating sa kalusugan. Nananatili namang nakabilanggo si Jason na 44 taong gulang na ngayon at siyang bunso sa tatlong anak ni Marlene.

Ibinahagi rin ng singer kung gaano kadakila ang pagmamahal sa kanya ng tatlong kapatid na babae ng kanyang ama. “Super close ako sa kanila. Tatlong babae ang kapatid ni Tatay, tatlong Maria nga, e. Sila ang nagpalaki sa akin when I was small kasi si Tatay, nagwo-world tour siya noon. And my mom also traveled with Tatay. They traveled together to his concert tours abroad. Naiwan ako sa tatlong tita ko,” ang malambing na pag-alala ni Maegan kung paano siya na-spoil ng kanyang mga tiyahin noong bata pa siya.

Read also

Maegan Aguilar naging bukas sa kanyang mga naging desisyon sa buhay

Si Maegan Aguilar ay isang kilalang OPM singer at songwriter na nagmula sa tanyag na angkan ng mga musikero sa bansa. Sa kabila ng mga naging personal na pagsubok at pinagdaanang rehabilitasyon, patuloy siyang nagsusumikap na maayos ang kanyang buhay at panatilihin ang magandang ugnayan sa kanyang pamilya habang naghahanda sa kanyang muling pagbabalik sa mundo ng showbusiness.

Sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok ng pamilya matapos ang pagpanaw ng OPM icon, patuloy ang pagiging bukas ni Maegan sa pagbabahagi ng kanyang personal na kwento ng pagbabago.

Matatandaang kamakailan ayisiniwalat ni Maegan Aguilar kung nakahingi ba siya ng tawad sa amang si Freddie Aguilar bago ito pumanaw. Sa naturang panayam, emosyonal niyang ibinahagi ang mga huling sandali at ang naging estado ng kanilang ugnayan ng kanyang ama bago naganap ang malungkot na pagpanaw ng OPM legend.

Bukod dito,ibinahagi rin ni Maegan Aguilar ang kabutihang ginawa ng OPM legend na si Kuh Ledesma sa kanya. Ipinahayag niya ang matinding pasasalamat sa suporta at tulong na ipinamalas ng veteran singer sa gitna ng kanyang mga pinagdaanang pagsubok sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate