“I am so proud of you ‘Nak” – Vice Ganda kay Wilbert Ross

“I am so proud of you ‘Nak” – Vice Ganda kay Wilbert Ross

  • Sold out agad sa loob ng 15 minuto ang WRten By concert ni Wilbert Ross na gaganapin sa New Frontier Theater
  • Dahil sa matinding demand, nagdagdag ng ikalawang concert date na naubos din ang tickets sa loob ng isang oras
  • Vice Ganda, proud at masaya sa tagumpay ng dating Hashtag member na matagal na niyang sinuportahan sa musika
  • Wilbert Ross, emosyonal at nagpasalamat sa kanyang pamilya at fans sa katuparan ng pangarap na matagal niyang hinintay

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Masayang ibinahagi ni Wilbert Ross ang tagumpay ng kanyang upcoming concert na WRten By, na agad na sold out sa loob lamang ng 15 minuto. Ang concert ay gaganapin sa New Frontier Theater bilang bahagi ng kanyang ika-10 taon sa industriya ng musika.

“I am so proud of you ‘Nak” – Vice Ganda kay Wilbert Ross
“I am so proud of you ‘Nak” – Vice Ganda kay Wilbert Ross (📷Wilbert Ross/Facebook)
Source: Facebook

Dahil sa matinding demand, agad na nagdagdag ng ikalawang concert date ang organizers. Hindi nagtagal, naubos din ang tickets sa loob ng isang oras, patunay ng mainit na suporta ng kanyang fans.

Read also

Manager ni Jopay, naglabas ng paliwanag sa kanyang hindi pagdalo sa rAWnd 6

Ayon kay Wilbert, isa sa mga unang nakaalam ng balita ay si Vice Ganda, na matagal na niyang mentor at tagasuporta. “I messaged her, ‘Ma, 15 minutes sold out ticket ko.’ Sabi niya ‘I am so proud of you ‘Nak.’ Happy siya. Sabi niya sobrang proud siya sa akin. Buti daw hindi ko sinukuan pangarap ko,” kwento ni Wilbert.

Dagdag pa niya, “Ang tagal ko siya inantay. Iniisip ko before sa It’s Showtime pa lang, tinutulungan ako ni Vice sa music ko, sa singing ko, any chance pinapa sample ako. She is very proud.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Para kay Wilbert, hindi lamang si Vice ang naging inspirasyon kundi isa ring sandalan sa kanyang journey. “Ever Since Day 1 talaga, hindi lang siya supportive, para siya sumbungan ko. Lahi niya sinasabi antayin mo time mo—Finally. I can’t say I made it pero konti-konti, sisipagan,” dagdag pa niya.

Ang WRten By ay ang kanyang unang major solo concert, isang pangarap na matagal na niyang pinangarap mula nang sumali siya sa Tawag ng Tanghalan. “Nang nalaman ko sold out na, I can’t contain my feelings. Naiyak ako. Tinawagan ko mom ko, naiyak sila. From the start I just wanted to share my art to everyone. First love ko music,” aniya.

Read also

Marina Summers, nagbigay ng matapang na pahayag sa MUP coronation night

Ang concert ay nakatakdang ganapin sa July 25 at 26 sa New Frontier Theater.

Si Wilbert Ross ay dating miyembro ng boy group na Hashtags sa It’s Showtime. Bukod sa kanyang husay sa pagsayaw, nakilala rin siya sa kanyang talento sa pagkanta at pagsusulat ng kanta. Sa loob ng sampung taon, unti-unti niyang binuo ang kanyang pangalan sa industriya ng musika, hanggang sa dumating ang pagkakataon na magkaroon ng sariling major solo concert.

Bukod sa suporta kay Wilbert, kamakailan ay naging laman din ng balita si Vice Ganda dahil sa kanyang matapang na pahayag tungkol sa mga taong kumikita ng malaking sahod ngunit kulang sa sipag. Sa isang artikulo ng Kami, binigyang-diin ni Vice ang kahalagahan ng pagsusumikap at dedikasyon sa trabaho. Basahin ang buong kuwento dito.

Samantala, sa isa pang artikulo, nagbigay ng matinding pakiusap si Vice Ganda kay dating Vice President Leni Robredo sa harap ng libu-libong tao. Ang kanyang mensahe ay nagpakita ng kanyang malasakit at paninindigan sa mga isyung panlipunan. Basahin ang buong kuwento dito.

Read also

Chloe San Jose, nagbigay ng pagbati sa mga kapatid ni Carlos Yulo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate