Manager ni Jopay, naglabas ng paliwanag sa kanyang hindi pagdalo
- Naglabas ng official statement ang manager ni Jopay Paguia upang ipaliwanag ang dahilan ng kanyang absence sa “Get, Get AW!” concert finale ng Sexbomb Girls noong Abril 30 sa SM Mall of Asia Arena
- Ayon kay Kate Anjela, ang manager ni Jopay, hindi nakadalo ang kanyang alaga dahil sa medical condition sa tuhod at sinunod ang payo ng doktor na magpahinga at tapusin ang treatment bago sumabak sa rehearsals
- Bagama’t hindi nakasama sa finale, nakatakdang sumali si Jopay sa “Get, Get AW!” World Tour sa United States ngayong Mayo 2026, kasama ang iba pang international shows ng grupo
- Gayunpaman, isang source ang nagsabing wala pa umanong working visa si Jopay para sa US tour, ngunit ayon sa manager, naka-prepare na sila at nakatakda ang interview ngayong Lunes
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ipinahayag ng manager ni Jopay Paguia, si Kate Anjela, na ang dahilan ng kanyang absence sa rAWnd 6 ng “Get, Get AW!” concert ng Sexbomb Girls ay isang medical condition na nakaapekto sa kanyang tuhod. Sinabi ng manager na pinayuhan ng doktor si Jopay na magpahinga at tapusin ang kanyang treatment, kaya hindi siya nakadalo sa rehearsals at training sessions na kailangan para sa finale.

Source: Facebook
Ayon pa sa manager, mahirap man ang desisyon, mas mahalaga ang pangmatagalang kalusugan at recovery ni Jopay. Idinagdag niya na nakatakdang sumali si Jopay sa “Get, Get AW!” World Tour sa United States ngayong Mayo 2026 at sa iba pang international shows.
To our dearest supporters and fans, we would like to address the absence of Jopay during the Sexbomb Get Get Aw Concert: The Finale held last April 30, 2026, at the SM Mall of Asia Arena.
Gayunpaman, isang source mula sa Abante ang nagsabi na wala pa umanong working visa si Jopay para sa US tour. Nang makapanayam ang manager, sinabi nitong nakatakda ang interview ni Jopay ngayong Lunes at nakapag-biometrics at pre-interview na rin ang misis ni Joshua Zamora. Dagdag pa niya na naka-prepare na sila at tiwala siyang maaabot ang requirements dahil eksperto ang producers sa ganitong proseso.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Malapit na ang alis ng Sexbomb Girls para sa kanilang US concert tour na magsisimula sa Mayo 8 sa Hilton Hawaiian Village sa Honolulu, Hawaii. Sa ngayon, si Jopay na lang umano ang wala pang working visa, ayon sa source.
Si Jopay Paguia ay isa sa mga original members ng Sexbomb Girls, isang dance group na sumikat noong early 2000s sa “Eat Bulaga.” Bukod sa kanyang career bilang dancer at performer, nakilala rin siya sa kanyang acting stints at pagiging asawa ni Joshua Zamora. Sa kabila ng mga hamon, nananatili siyang isa sa mga pinakakilala at minamahal na miyembro ng grupo.
Kamakailan, nagsalita si Jopay tungkol sa mga naging pahayag ni Alvin Aragon kung saan nadamay pa ang kanyang asawa. Sa artikulo ng Kami.com.ph, ipinaliwanag ni Jopay ang kanyang panig at ipinakita ang kanyang pagiging matatag sa gitna ng kontrobersya.
Bukod dito, naging emosyonal si Jopay nang humingi siya ng tawad sa publiko sa ngalan nina Alvin at Izzy. jopa ulat ng Kami.com.ph, makikita ang kanyang sincerity at pagnanais na maayos ang sitwasyon, bagay na ikinatuwa ng maraming fans.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

