Angel Locsin, ibinahagi ang duet nina Chito Miranda at Anne Curtis sa kanya birthday party

Angel Locsin, ibinahagi ang duet nina Chito Miranda at Anne Curtis sa kanya birthday party

  • Ibinahagi ng page ni Angel Locsin ang 'jamming' nina Chito Miranda at Anne Curtis
  • Kuha umano ito sa kanyang naging birthday celebration kamakailan
  • Bago pa ito, nagkaroon ng solo performance si Anne kung saan kinanta niya ang "Torn"
  • Bagama't hindi na aktibo sa pelikula at telebisyon, minsanang nagpaparamdam si Angel Locsin sa kanyang social media

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

IIbinahagi sa social media page ni Angel Locsin ang isang video na tampok ang duet nina Chito Miranda at Anne Curtis.

Kuha umano ang naturang video sa naging pagdiriwang ng kaarawan ni Angel kamakailan.

Sa caption ng ibinahaging video, mababasa ang, “Anne Curtis jams with Chito Miranda last night at Angel’s birthday party.”

Makikita sa nasabing clip ang masayang pakikisabay ni Anne sa pagkanta ni Chito ng Parokya ni Edgar song na "Halaga", na agad namang umani ng atensyon mula sa mga netizen.

Sa kasalukuyan, umabot na sa halos 75,000 ang bilang ng “likes” ng video, bukod pa sa iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga tagasubaybay.

Read also

Heart Evangelista, ibinahagi ang karanasan sa Milan Fashion Week blackout

Naibahagi rin ito ni Angel bilang story sa kanyang Instagram account.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagdiwang ng kanyang ika-41 kaarawan si Angel Locsin noong Abril 23. Bagama’t hindi na siya aktibong napapanood sa pelikula at telebisyon sa kasalukuyan, patuloy pa rin siyang nagbibigay ng panaka-nakang updates sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

Samantala, sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan, inulan pa rin ng pagbati si Angel mula sa mga naging kasamahan niya siya showbiz. Ilan sa kanila ay sina Richard Guttierez atnang kanyang best friend na si Dimples Romana.

Sa isa sa kanyang mga naging socmed posts, naglaan siya ng oras upang pasalamatan ang mga taong ito na patuloy na nakaalala sa mahalagang araw sa kanyang buhay. "“Thanks everyone for the birthday wishes! Love you all” aniya.

Si Angel Locsin ay isang kilalang personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nagsimula siyang makilala sa telebisyon sa pamamagitan ng mga fantasy at action series kung saan madalas niyang ginagampanan ang mga papel na may temang kabayanihan. Ilan sa kanyang pinakatanyag na proyekto ay ang mga teleseryeng tulad ng Mulawin at Darna, kung saan lalo siyang sumikat bilang pangunahing bida. Sa pelikula, nakilala rin siya sa iba’t ibang genre, mula drama hanggang romantic films, na nagpatibay sa kanyang reputasyon bilang isang versatile na aktres.

Read also

Ruffa Gutierrez masayang ipinagdiwang ang graduation ni Lorin sa Malibu

Bukod sa kanyang karera sa pag-arte, nakilala rin si Angel sa kanyang aktibong pakikilahok sa iba’t ibang gawaing pangkawanggawa. Madalas siyang nakikibahagi sa mga relief operations at tumutulong sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.

Sa mga nakaraang taon, naging hindi gaanong aktibo si Angel Locsin sa paggawa ng pelikula at telebisyon. Gayunpaman, nananatili siyang konektado sa publiko sa pamamagitan ng kanyang social media accounts, kung saan paminsan-minsan siyang nagbabahagi ng mga personal na update at mahahalagang okasyon sa kanyang buhay. Kabilang dito ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan at ilang piling kaganapan kasama ang malalapit sa kanya.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na anunsyo ukol sa kanyang pagbabalik sa telebisyon o pelikula, ngunit patuloy siyang sinusubaybayan ng kanyang mga tagahanga para sa anumang susunod niyang proyekto o pampublikong pagpapakita.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica