Anne Curtis at pamilya, muling nagkasama sa Oman matapos ang flight diversion

Anne Curtis at pamilya, muling nagkasama sa Oman matapos ang flight diversion

  • Kinumpirma ng ina ni Anne Curtis na si Carmen Ojales na ligtas nang nakarating ang aktres sa Oman para makasama ang asawang si Erwan at anak na si Dahlia
  • Naantala ang orihinal na plano ni Anne na sorpresahin ang anak para sa kaarawan nito sa Dubai dahil sa tensyon sa pagitan ng Amerika at Middle East
  • Pinalipad pabalik ng Italy ang eroplanong sinasakyan ng aktres matapos isara ang ilang airport sa rehiyon bilang bahagi ng seguridad
  • Nagpahayag ng pasasalamat ang pamilya ni Anne Curtis matapos ang itinuring nilang nightmare na karanasan habang sinusubukang mag-reunite

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa wakas ay natapos na ang pangamba ng pamilya at fans ng aktres na si Anne Curtis matapos kumpirmahin ng kanyang ina na ligtas na siyang nakarating sa kanyang destinasyon. Ayon kay Carmen Ojales, muling nagkasama sina Anne, Erwan Heussaff, at ang kanilang anak na si Dahlia sa Oman matapos ang isang nakaka-stress na karanasan sa biyahe.

Read also

Reaksyon ni Bianca Gonzalez sa hirit ni Rep. Bong Suntay, viral

Anne Curtis at pamilya, muling nagkasama sa Oman matapos ang flight diversion
Anne Curtis at pamilya, muling nagkasama sa Oman matapos ang flight diversion (📷@annecurtissmith/IG)
Source: Instagram

Sa isang post sa Threads, hindi naitago ni Carmen ang kanyang pasasalamat. Aniya, “Praise and thank you Lord They together na Erwan n dhalia n Anne 🙏they safe na sila sa OMAN!!🙏🙏🙏It was a nightmare sa kanina 🙏🙏🙏Anne landed today sa OMAN Keep them safe Lord till they get bck to Manila!!!”

Anne Curtis at pamilya, muling nagkasama sa Oman matapos ang flight diversion
Anne Curtis at pamilya, muling nagkasama sa Oman matapos ang flight diversion (📷@carmcurtissmith/Threads)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Dahlia sa Dubai nitong March 2. Papunta na sana si Anne roon mula sa isang event sa Milan, Italy nang biglang nagkaroon ng aberya. Dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng US at Israel, natigil ang operasyon sa ilang paliparan, kabilang na ang Dubai. Dahil dito, napilitang bumalik sa Milan ang eroplanong sinasakyan ni Anne, dahilan para hindi siya makaabot sa mismong araw ng birthday ng anak.

Nag-post pa si Anne sa kanyang Instagram story ng larawan ni Dahlia na may caption na “Stay safe little one,” na lalong nagpakita ng kanyang pag-aalala. Maraming netizens ang nakisimpatya sa aktres, lalo na't ramdam ang lungkot na hindi niya agad nakasama ang anak sa espesyal na araw nito. Isang netizen ang nag-tweet, “It’s Dahlia Amélie’s birthday stay safe little one i hope you’re with your mum now.”

Read also

Carla Abellana at Dr. Reginald Santos, handa sa alternatibong paraan para magkaroon ng baby

Si Anne Curtis ay isa sa mga pinakasikat na personalidad sa bansa at kilala bilang isang mapagmahal na ina. Sa kabila ng kanyang busy na schedule sa "It's Showtime" at iba pang commitments sa fashion industry, palagi niyang inuuna ang oras para sa kanyang pamilya. Ang nangyaring insidente ay nagpaalala sa marami kung gaano kahirap ang mawalay sa mahal sa buhay, lalo na sa gitna ng hindi inaasahang sitwasyon sa ibang bansa.

Ngayong ligtas na silang magkakasama, inaasahang babawi si Anne sa anak habang naghihintay ng tamang pagkakataon na makabalik nang ligtas sa Pilipinas.

Samantala, bago ang bakasyong ito, naging usap-usapan din ang pangalan ni Anne Curtis dahil sa mga kontrobersyal na pahayag ng ilang opisyal sa bansa.

Kamakailan ay umani ng matinding batikos si Bong Suntay matapos amining nag-init nang ma-imagine si Anne Curtis sa gitna ng isang congressional hearing. Maraming netizens at maging mga kasamahan sa gobyerno ang nadismaya sa naging halimbawa ng mambabatas gamit ang pangalan ng aktres. Iginiit ng mga kritiko na hindi nararapat ang ganoong uri ng pananalita lalo na sa isang pormal na pagtitipon at lalo na't ipinagdiriwang ang National Women's Month.

Read also

Zeinab Harake, ibinahagi ang dahilan kung bakit papasukin na ang mundo ng modeling

Maging ang beteranang aktres na si Lotlot de Leon ay nag-react sa kontrobersiyal na pahayag ni Bong Suntay ukol kay Anne Curtis sa pamamagitan ng kanyang social media account. Ipinahayag ni Lotlot ang kanyang saloobin tungkol sa paggalang sa mga kababaihan at ang kahalagahan ng pagiging maingat sa mga sinasabi ng mga public servant. Ang post ni Lotlot ay umani rin ng suporta mula sa mga followers na naniniwalang dapat ay laging protektado ang dignidad ng bawat babae sa kahit anong sitwasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate