Paolo Contis may makahulugang hirit sa gitna ng usapin: "Baka pandilatan ka"

Paolo Contis may makahulugang hirit sa gitna ng usapin: "Baka pandilatan ka"

  • Naging viral ang video clip ng panayam kay Alvin Aragon kung saan binanggit nito ang mga aktor na sina Paolo Contis at Aljur Abrenica sa kanyang mga naging pahayag
  • Ikinumpara ni Aragon ang kanyang sarili sa dalawang aktor at iginiit na siya ay isang "okay" na asawa kumpara sa kanila na naging kontrobersyal dahil sa isyu sa relasyon
  • Hindi nakapagpigil ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at nag-post ng isang face-palm emoji bilang reaksyon sa naturang pahayag ng dating StarStruck member
  • Nag-iwan naman ng tila pilyo at misteryosong komento si Paolo Contis sa isang social media post na nagpakita ng panayam nang hindi direktang pinapangalanan ang pinatutungkulan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Patuloy na nagbabaga ang mga usapan sa mundo ng showbiz matapos magbigay ng kani-kanilang reaksyon ang ilang malalaking pangalan sa industriya sa isang viral na panayam. Sa kumakalat na video interview, hindi nagdalawang-isip ang mister ng dating SexBomb member na si Izzy Trazona na si Alvin Aragon na gamitin ang pangalan nina Paolo Contis at Aljur Abrenica bilang halimbawa sa kanyang "hugot" tungkol sa pagiging asawa.

Read also

Dahil sa isang aso, natuklasan ang bangkay ng nawawalang 12-anyos sa Toledo City

Paolo Contis may makahulugang hirit sa gitna ng usapin: "Baka pandilatan ka"
Paolo Contis may makahulugang hirit sa gitna ng usapin: "Baka pandilatan ka" (đź“·@paolo_contis/IG)
Source: Instagram

Ayon sa naging pahayag ni Alvin sa panayam, “Naisip ko lang, si Paolo Contis, kasi nga may mga issue sa babae, pati si Aljur, galit na galit kayo kasi hindi sila naging okay na husband. Ngayon, merong tao na okay ang ginawa sa isang wife, bina-bash niyo pa rin?!” Ang pahayag na ito ay mabilis na kumalat sa social media matapos i-repost ng sikat na personality na si Senyora, kung saan umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen at maging sa mga sikat na artista.

Read also

Gary Valenciano, may mahalagang paalala kay Alvin Aragon tungkol sa pagbabahagi ng pananampalataya

Sa gitna ng tensyon, agaw-atensyon ang naging komento ni Paolo Contis sa naturang post. Bagama't hindi direktang tinukoy kung para kanino ang kanyang sinasabi, tila may pahiwatig ang aktor sa kanyang naging hirit. Aniya, “NATO!!!! Bad yan!! Nakaka sedjuice yang ginagawa mo!! Baka pandilatan ka ng kung sino diyan! ” Ang hirit na ito ni Paolo ay agad na pinag-isipan ng mga netizen, lalo na ang paggamit niya ng salitang "pandilatan" na tila may pinatutungkulang ibang isyu sa kanyang paligid.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi rin nakalagpas sa mga mata ng publiko ang reaksyon ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Bagama’t walang isinulat na anumang salita, sapat na ang kanyang ipinost na litrato ng cartoon character na si Bob Belcher na nakatakip ang mukha o "face-palm" para ipahiwatig ang kanyang saloobin sa usapin. Sumali rin sa usapan ang aktres na si Meg Imperial na tila hindi rin nagustuhan ang tono ng pagkukumpara sa panayam. Ayon kay Meg, “Oh my gosh! He made it sound like ang perfect niya.”

Si Alvin Aragon ay nakilala bilang isa sa mga produkto ng unang edisyon ng talent search na "StarStruck." Sa kasalukuyan, siya ay asawa ni Izzy Trazona at naging laman ng mga balita nitong mga nakaraang araw dahil sa kanyang mga matatapang na pahayag tungkol sa LGBTQIA+ community, sa pananamit ng mga miyembro ng SexBomb Girls, at sa kanyang paninindigan bilang isang asawa.

Ang kontrobersyang ito ay nag-ugat sa naging pagpuna ni Alvin sa mga asawa ng ibang SexBomb members na pinapayagan ang kanilang mga misis na magtanghal sa mga reunion concert suot ang mga daring na outfit, habang ipinagtatanggol niya ang kanyang desisyon na "protektahan" ang kanyang sariling maybahay.

Read also

McCoy De Leon, hindi nakatiis at rumesbak para kay Coco Martin

Kamakailan ay ibinahagi ni Paolo Contis ang ilang mga sandali ng kanyang pagdiriwang ng bakasyon kasama ang kanyang pamilya. Kabilang sa mga nakasama ng aktor ang kanyang mga anak na sina Liana at Xonia sa kanyang dating asawa na si Lian Paz.

Sa kabilang banda, naging bukas naman si Lian Paz sa publiko tungkol sa estado ng kanyang pakikipag-ayos kay Paolo Contis pagdating sa kanilang mga anak. Ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa unti-unting pagbuti ng ugnayan nila para sa kapakanan ng kanilang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate