Luis Manzano, may hirit sa "birthday week" post ni Alex Gonzaga: "Patay agad?"
- Nag-post si Alex Gonzaga sa Instagram para ipagdiwang ang simula ng kanyang "birthday week"
- Pabirong nag-comment si Luis Manzano kung pwedeng i-move ang selebrasyon dahil "busy" siya
- Agad naman siyang sinagot ni Alex, kung saan tila nagulat pa nga si Luis sa comment nito
- Naging usap-usapan ng mga netizens ang panibagong asaran ng magkaibigan sa social media
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Simula na ng "birthday week" ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga, at gaya ng inaasahan, hindi mawawala ang kulitang hatid ng kanyang malapit na kaibigan na si Luis Manzano.

Source: Instagram
Sa kanyang pinakabagong Instagram post, nagbahagi si Alex ng mga larawan mula sa isang stylish na photoshoot kung saan nakasuot siya ng checkered blazer at black boots.
"Birthday week," ang maikling caption ni Alex na agad namang umani ng libo-libong likes. Ngunit ang talagang nakakuha ng atensyon ng mga netizens ay ang naging hirit ni Luis Manzano sa comment section.
"Pwede ba i-move? Medyo busy kasi ako this week," pabirong komento ni Luis.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi naman nagpaawat si Alex at mabilis na rumesbak sa banat ng kaibigan sa kanyang post.
"@luckymanzano bakit di ka mag-move sa kabilang buhay?" sagot ng aktres. Dahil sa tindi ng hirit ni Alex sa comment section, talagang napa-reply muli si Luis ng, "Patay agad????? Di ba pwede asaran muna?????"
Kilala ang dalawa sa kanilang walang humpay na asaran at 'bardagulan' sa social media na laging inaabangan ng kanilang mga fans. Sa kabila ng matitinding hiritan, alam ng marami na ito ay tanda lamang ng kanilang malalim na pagkakaibigan.
Marami namang followers ang nagpaabot ng kanilang maagang pagbati para sa kaarawan ni Alex ngayong taon.
Swipe left para makita pa ang ibang photos:

Source: Instagram
Si Luis Manzano ay isang Filipino actor, comedian, at TV host. Siya ay nagmula sa isang pamilyang matagal nang bahagi ng showbiz, bilang anak ng mga batikang artista na sina Edu Manzano at Vilma Santos. Kilala siya sa pagho-host ng maraming sikat na programa ng ABS-CBN, kabilang ang Pilipinas Got Talent, Kapamilya, Deal or No Deal, at Minute to Win It. Bukod sa pagho-host, gumanap din si Luis sa iba't ibang serye sa telebisyon at mga pelikula. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Jessy Mendiola, at mayroon silang anak na si Isabella Rose.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay umani ng papuri si Luis Manzano kamakailan dahil sa kanyang bagong vlog. Sa YouTube, ibinunyag ni Luis ang ginawa niyang pagbisita kay Nanay Rebecca. Si Nanay Rebecca ang isa sa mga tumatak kay Luis noong campaign season.. Nang makita si Luis sa kanyang bahay, agad na naiyak si Nanay Rebecca nang matindi .
Samantalang noong taon din na iyon ay ibinahagi ni Luis Manzano ang isang nakakaantig na karanasan niya. Sa Instagram, ni-repost ni Luis ang isang moment sa kanyang vlog na ikinatuwa ng marami. Noong siya ay nasa Hong Kong kamakailan lang, may isang Pilipino na tumulong sa kanya. Marami naman ang natuwa sa pagiging thankful ni Luis sa tulong ni kabayan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

