Bea Borres, rumesbak sa mga "online limos" sa kanyang DMs: "Is it my fault?"
- Naglabas ng saloobin si Bea Borres tungkol sa mga tao na humihingi ng pera o "online limos" sa kanya
- Binanggit ng content creator na nakakatanggap siya ng mga DMs mula sa mga taong natalo sa online gambl*ng
- May mga nag-me-message din sa kanya na nanghihingi ng bagong cellphone kahit na sira na rin ang sarili niyang phone
- Inamin ni Bea na "absurd" at nakaka-annoy na ang dami ng mga ganitong klaseng request na nakukuha niya araw-araw
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi na nakapagpigil ang social media personality na si Bea Borres at tinalakay sa kanyang Facebook post ang talamak na "online limos" ngayong 2026. Sa kanyang post, diretsahan niyang kinuwestiyon kung bakit uso pa rin ang ganitong gawain, lalo na ang mga humihingi ng tulong matapos magsugal.

Source: Instagram
"It's 2026, uso pa rin online limos?" gulat na tanong ni Bea sa kanyang caption.
Nadismaya ang aktres dahil ang ilan sa mga lumalapit sa kanya ay dahil natalo sa sugal.
"Sometimes nanlilimos sila cause talo sa online gambl*ng, like is it my fault you got talo??????" dagdag pa niya na may kasamang mga laughing emojis.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bukod sa sugal, marami rin daw ang nag-me-message sa kanya para humingi ng mamahaling gamit.
"Been getting a lot of DMs that they need a brand new phone cause their current phone is broken," kwento ni Bea. Ibinahagi niya na hindi rin perpekto ang gamit niya pero hindi siya namimilit sa iba. "Same lang tayo mga siz, my phone is pasira na rin but I'm not even changing it yet tapos manlilimos kayo sakin," paliwanag niya.
Sa huli, inamin ni Bea na nakakaapekto na ito sa kanya bilang isang creator dahil marami talaga ang nag-DM.
"The amount of online limos I get everyday is absurd, I'm sure mas marami pa sa ibang creators & NGL it’s getting annoying," pagtatapos niya.
Maraming netizens naman ang sumang-ayon sa kanya at nagsabing dapat ay maging responsable ang bawat isa sa kanilang mga desisyon sa buhay at pananalapi.
Si Bea Borres ay isang Filipina actress, social media personality at vlogger na nakilala dahil sa kanyang pagiging candid at relatable online. Madalas niyang ibinabahagi sa social media ang mga bahagi ng kanyang araw-araw na buhay at mga personal na karanasan. Bukod sa lifestyle at entertainment content, kilala rin si Bea sa kanyang pagiging bukas tungkol sa mga personal na milestones at hamon niya sa buhay, na nagbibigay-daan sa kanyang audience na makakonekta sa kanya sa mas malalim na paraan. Sa mga nagdaang taon, naging laman din siya ng balita dahil sa mga life updates na malapit sa puso ng kanyang mga followers, na lalo pang nagpapatatag sa kanyang presensiya sa lokal na social media culture.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2025 ay nag-viral si Bea Borres matapos niyang magpahayag ng pakikiramay kay Jillian Ward. Ibinahagi niya ang pagkadismaya dahil sa paniniwala ng lipunan na tila hindi kaya ng babae na maging 'successful.' Sa post, binalikan din ni Bea ang sinasabi ng ama niya noon. Gayunpaman, inamin ni Bea na: "Don't get me wrong, I want pa rin mag-asawa ng mayaman."
Samantalang ay muling umani ng atensyon mula sa mga netizen si Bea Borres. Kamakailan, muling binigyang-diin ng aktres ang kanyang paninindigan ukol sa maagang pagbubuntis. Sa kanyang post, ipinaalala ni Bea sa kanyang mga followers na hindi niya ito "nino-normalize." Ayon sa kanya, hindi lahat ay kasing-lucky o kasing-pivileged niya, bagay na pinuri naman ng kanyang mga tagahanga online.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

